Cristy Fermin dinipensahan si Joey de Leon matapos ang viral ‘lubid’ statement: Hindi naman kasi sinabi na tao lamang
IPINAGTANGGOL ng kolumnistang si Cristy Fermin laban sa publiko ang controversial TV host-comedian na si Joey de Leon.
Marami kasi ang pumuna sa “E.A.T.” host dahil sa insensitive joke na binitawan nito on national TV ukol sa “lubid” sa segment ng “Gimme 5”.
At sa kaniyang show na “Cristy Ferminute” ay pinag-usapan nila kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika ang mga pangyayari.
Aniya, gusto raw niyang isipin na kinapos lang ng mga salita ang mgactaong bumubuo ng tanong sa “Gimme 5” segment ng noontime program.
“Gusto kong isipin na kinapos ‘yung nagbubuo ng mga katanungan doon sa Gimme 5 na ‘yan. Dapat specific ‘yung pagkasabi, ‘Ano-ano ba ang mga bagay-bagay o gamit na isinusuot sa leeg o inilalagay sa leeg,” panimula ni Cristy.
“Hindi naman kasi sinabi na tao lamang ‘di ba. Walang ganoon e. Kaya siguro naisip ni Joey na aba’y pupuwede naman na ang mga hayop siguro ay bigyan din ng partisipasyon dito sa tanong na ito.
“Katulad nung kambing, kalabaw, baka, usa at iba pa pong mga hayop na may apat na paa, na kapag hinihila natin o dinadala natin sa kabilang ibayo para hindi tayo mahirapan sa pagbugaw-pagbugaw na ganyan, tinatalian na lang at hinihila po natin,” pagpapatuloy pa ni Cristy.
Baka Bet Mo: ‘E.A.T.’ sumulat sa MTRCB, nag-sorry sa viral ‘lubid’ joke ni Joey
Ngunit sa kabilang banda, naniniwala ang kolumnista na kahit ano pang paliwanag ang sabihin ni Joey hinggil sa kanyang banat ay marami pa ring pupuna sa kanya dahil nga sensitibo ang paksa ng pagpapatiwakal.
Sinabi rin ni Cristy na marami daw ang nakabantay ngayon sa “E.A.T.” dahil daw sa pagiging number 1 nito sa rating.
“Ang isang utak na nakasentro na po sa negatibo, kahit po hampasin natin ng maso, hindi magiging positibo.
“Pero nandyan rin ang ating pag-iisip na kailangan tayong nag-iingat talaga lalo sa pagbibitiw ng mga salita sa harap ng publiko,” sey pa ni Cristy.
Ito raw ay dahil hindi naman palaging maiintindihan ng mga manonood ang mga kilos at sinasabi ng bawat isa.
“Natural mayroong mga nagagalit sa kanila. Natural mayroong nagbabantay. Natural mayroong gustong gumanti at mapahiya rin sila at magkaroon ng kaso kaya kailangan parang pag-iingat natin yan sa bagyo. Tripleng ingat din kasi hindi ganoon kasimple ang health issue na pinag-uusapan ngayon,” hirit pa ni Cristy.
Related Chika:
Cristy Fermin sinagot si Paolo ukol sa ‘Fake Bulaga’: Sa isip ng ating mga kababayan, mayroong orihinal na Eat Bulaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.