'E.A.T.' sumulat sa MTRCB, nag-sorry sa viral 'lubid' joke ni Joey | Bandera

‘E.A.T.’ sumulat sa MTRCB, nag-sorry sa viral ‘lubid’ joke ni Joey

Therese Arceo - September 27, 2023 - 06:23 PM

E.A.T. sumulat sa MTRCB, nag-sorry sa viral 'lubid' joke ni Joey
HUMINGI ng tawad ang buong pamunuan ng noontime show na “E.A.T” matapos mag-trending ang “lubid” joke ni Joey de Leon.

Sa sulat na ipinadala nito sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB noong Lunes, September 25, nagpaliwanag ito ng kanilang panig ukol sa pangyayari.

“We are writing to formally explain an incident that occurred last September 23, 2023 during E.A.T.’s ‘Gimme 5’ segment involving one of our host Mr. Joey de Leon.

“During the said incident, Mr. Joey de Leon suggested ‘lubid’ (rope) as an answer to a question regarding things that may be worn around the neck.

“He conveyed this verbally in a very brief manner without further actions, elaborations or demonstrations,” saad sa sulat na ipinasa ng pamunuan ng “E.A.T.”.

Ang naturang sulat ay pirmado ng Head of Creatives and Production Operations na si Jeny Ferre.

Matatandaang sa segment ng “Gimme 5” ay kinakailangang magbigay ng contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg.

Baka Bet Mo: Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Base sa viral video na mula sa September 23 episode ng “E.A.T.” ay hirap magbigay ang contestant at tanging necklace lang ang nabanggit nito hanggang maubos na ang kanyang oras.

Matapos ay sinabi ni Joey na nakalimutan nitong banggitin ang lubid.

“Lubid, lubid, nakakalimutan niyo,” sey ng TV host.

Marami sa mga netizens ang nagbigay interpretasyon na may kinalaman sa suicide o pagpapatiwakal na sensitive topic para sa manonood.

At dahil dito ay humihingi ng sorry ang buong pamunuan ng “E.A.T.” sa mga na-offend sa sinabi ni Joey.

“However, some viewers interpreted the utterance of the said object as an insinuation of suicide, which is a very sensitive and triggering subject.

“In this regard, the whole EAT management is regretful and apologetic to those who were offended by the said utterance,” ayon pa sa sulat.

Nangako naman ang “E.A.T.” na makaaasa ang MTRCB na makakatulong nila ang programa sa kanilang adbokasiya sa responsible viewing experience ng publiko.

Inaabangan naman ng madlang pipol ang magiging desisyon ng ahensya ukol sa nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ruby Rodriguez binisita ni Jose Manalo, magiging parte rin kaya ng ‘E.A.T.’?

44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ ipagdiriwang sa ‘E.A.T.’, TVJ may mga hinandang bonggang sorpresa, papremyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending