Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa 'lubid' joke sa 'E.A.T.', MTRCB kinalampag: 'Galaw, galaw Lala Sotto!' | Bandera

Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’

Ervin Santiago |September 24,2023
facebook
share this

Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’

Ervin Santiago - September 24, 2023 - 08:35 PM

Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa 'lubid' joke sa 'E.A.T.', MTRCB kinalampag: 'Galaw, galaw Lala Sotto!'

Joey de Leon

BARAG na barag ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa netizens matapos magbitiw ng insensitive joke sa programa nilang “E.A.T.” sa TV5.

Trending ngayon sa social media ang komedyante dahil sa pagbibiro niya sa episode ng kanilang noontime show nitong September 23, na may konek sa suicide.

Nangyari ito sa segment na “Gimme 5” kung saan kailangang magbigay ng contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg.

Tanging “necklace” lang ang naisagot ng contestant. Sa katapusan ng round one, biglang nag-suggest si Joey ng isa pang bagay na pwede raw isabit sa leeg.

“Lubid, lubid, nakakalimutan niyo,” ang birong hirit  ni Joey. Ang paniwala ng karamihan sa nakapanood ng programa, ang isina-suggest ni Joey ay may kaugnayan sa pagpapakamatay.

Baka Bet Mo: Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’: ‘Kumain lang ng icing…paano naman yung nagmura?!’

Napaka-insensitive raw ng joke ng TV host lalo na sa mga taong nagluluksa pa rin ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pananakit sa sarili.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa sinabi ng TV host at komedyante kung saan tinag pa nila ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pati na ang chairperson nitong si Lala Sotto.

“Really? Mga bagay na sinasabit sa leeg ay lubid? REALLY JOEY DE LEON???? LALA SOTTO ANO NA????”

“Joey de Leon, deboto ka ng Catholic Church di ba? Bakit mo gagamiting punchline ang ‘lubid sa leeg?'”

“This is a trigger warning clip about suicide and Joey De Leon can’t shut his mouth.”

“Ang lala ni Joey de Leon, tumandang paurong talaga!”

“My mom’s an Eat Bulaga fan ever since pero never talaga ako natuwa sa Joey de Leon na yan. Bukod sa corny ng mga jokes, bastos na, pangit pa ng way ng pag-iisip.”

Kasunod nga nito ang panawagan ng mga netizens kay Chairperson Lala Sotto na kastiguhin at parusahan din si Joey tulad ng ginawa niya kina Vice Ganda at Ion Perez.

“It’s Showtime got suspended for doing something completely normal. Joey de Leon, again, making problematic, insensitive jokes about mental health, and their show still goes on.”

“Tapos sasabihin nila ang pagkain ng icing ay criminal act.. sana naman isipin nila na hindi criminal act ang pagkain ng icing… Yung pagsasalita ni tanda matindi.”

“The way he said it parang joke lang. inulit ulit pa. what if mapanood to ng someone na may mabigat na pinagdadaanan at yun ang magtrigger. ano masasabi ng spiritual convivtion mo dto lala sotto?”

“Sabi ng MTRCB, mas masahol pa rin daw kumain ng icing ng cake kaysa sa magbiro tungkol sa pagpapakamatay. Mas triggered warning pa rin daw ang icing ng cake at ganun ang mindset nila. Basta E.A.T. hosts, okay lang daw.”

“Galaw galaw Lala Sotto palagi kang trending. Joey de leon ipahinto muna baka sabihin mo manghingi lang ng sorry. Inumpisahan mo sa Showtime, eh, yan tuloy.”

Matatandaang pinatawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang kalaban ng “E.A.T.” na “It’s Showtime” dahil sa pagsubo ng icing nina Vice at Ion sa “Isip Bata” segment gamit ang kanilang daliri.

“Viewers have lodged multiple complaints before the MTRCB concerning the show’s 25 July 2023 episode wherein the program’s hosts allegedly acted in an indecent manner during one of its segments, ‘Isip Bata,'” ang bahagi ng resolusyon ng MTRCB.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Joey sa isyung ito.

Related Chika:

Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah buwis-buhay sa ‘Tala’ concert: Isang maling galaw pwede siyang mabalian ng buto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending