Joey de Leon basag na basag kay Rendon Labador: 'Sumusobra ka na! Matanda ka na, magbago ka na!' | Bandera

Joey de Leon basag na basag kay Rendon Labador: ‘Sumusobra ka na! Matanda ka na, magbago ka na!’

Ervin Santiago |July 13,2023
facebook
share this

Joey de Leon basag na basag kay Rendon Labador: ‘Sumusobra ka na! Matanda ka na, magbago ka na!’

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 02:48 PM

Joey de Leon basag na basag kay Rendon Labador: 'Sumusobra ka na! Matanda ka na, magbago ka na!'

BINASAG ng social media personality na si Rendon Labador ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon na talagang ikinaloka ng mga netizens.

Matindi ang mga pinagsasabi ng kontrobersyal na motivational speaker laban kay Joey hinggil sa mga patutsada nito sa producer at mga bagong host ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Hindi nagustuhan ni Rendon ang pang-ookray at pagpaparinig ng tinaguriang Henyo Master sa pamilya Jalosjos na nagmamay-ari ng TAPE pati na rin sa grupo nina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar na siyang pumalit sa TVJ.

Partikular na tinira ni Rendon ang hirit ni Joey sa pagse-celebrate ng “Eat Bulaga” sa GMA ng 44th anniversary, “Kami ang legit. ‘Yung mga, alam n’yo na, peke… baligtarin ang legit… tigel na kayo please.”

Sey ni Rendon, hindi na siya natutuwa sa mga pagpaparinig ni Joey at dapat daw ay mag-move on na ito sa mga nangyari at mag-focus na lang sa bago nilang programa sa TV5, ang “E.A.T.”.

Ang punto ni Rendon, napakalaki pa rin ng utang na loob ng TVJ sa TAPE kung tutuusin dahil sumikat at tumagal ang “Eat Bulaga” dahil sa mga Jalosjos.

Baka Bet Mo: Joey de Leon pinatutsadahan nga ba si Vice Ganda sa hugot nito tungkol sa ‘1,000 floors’ at ‘lagpas helicopter’?

“Sa totoo lang T.A.E. kayong tatlo kung hindi nag invest sa inyo ang TAPE. Hindi ninyo nakita ang ilang taong lugi nila sa inyo,

“Nag invest sila sa inyo nung nag sisimula palang kayo at hindi ninyo nakita yun kasi nabulag kayo sa kasikatan,” pahayag ni Rendon.

Matapang pang hirit ng controversial businessman, “Hindi na ako natutuwa sayo Joey sa kakaparinig mo. Move on ka nalang at gawin ang trabaho mo!

“Sumusobra ka na! I stand sa mga negosyante na tumutulong lang naman pero sa huli ay parang sila pa yung napasama. Matanda ka na Joey, mag bago ka na. #stayMotivated,” ang patama pa ni Rendon kay Joey.

“Ang totoo niyan kasi Joey… kaya kayo pinalitan kasi laos na kayo. Hindi lang nila masabi kasi nakakahiya naman sa inyo. Wala na nanunuod ng TV ngayon Joey,” aniya pa.

Wala pang sagot si Joey sa nakakalokang patutsada ni Rendon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador sa mga kumampi kay Michael V: Totoo naman na laos na kayong lahat! Pasalamat nga kayo na sinabi ko pa!

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending