Rendon Labador sa mga kumampi kay Michael V: Totoo naman na laos na kayong lahat! Pasalamat nga kayo na sinabi ko pa!
NAKARATING sa motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador ang mga pahayag ng ilang celebrities na ipinapagtanggol ang Kapuso star at comedy genius na si Michael V.
At dahil nga diyan, hindi nanamang napigilang sumagot si Rendon at nanindigan sa kanyang komento laban kay Bitoy.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ni-repost ni Rendon ang ilang report mula sa BANDERA at diyan niya binira ang hinaing ng ilang artista.
Ayon kay Rendon, “Kahit magkampihan pa kayong lahat! Wala akong pakialam.”
“Totoo naman na laos na kayong lahat, pasalamat nga kayo sinabi ko pa,” patuloy niya.
Baka Bet Mo: Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin
Dagdag pa niya, “Bakit hindi ninyo matanggap na mga laos na kayo? Masakit na katotohanan ‘yan na kailangan ninyong lunukin.”
Magugunitang hindi nagustuhan ni Rendon ang sinabi ni Michael V noong April 29 na, “The first thing an content should understand is the meaning of the word: CONTENT.”
Sagot ng social media personality, “INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.”
“Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM,” sey pa sa nakakalokang caption niya.
Hindi na siya pinatulan ni Bitoy, pero ang bumanat kay Rendon ay ang mga ordinaryong netizens, pati na rin ang mga sikat na personalidad.
Kabilang na riyan ang komedyana na si Tuesday Vargas, TV host at Kapuso trivia master na si Kuya Kim, aktor na si Joross Gamboa at comedienne-actress na si Kakai Bautista.
Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga
Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.