Rendon Labador: Si Rosmar umatras na, kailan kaya si Diwata?

Rendon namboldyak: Si Rosmar umatras na, kailan naman kaya si Diwata?

Ervin Santiago - January 31, 2025 - 12:17 PM

Rendon namboldyak: Si Rosmar umatras na, kailan naman kaya si Diwata?

Diwata, Rosmar Tan at Rendon Labador

BINOLDYAK na naman ng social media personality na si Rendon Labador ang viral paresan owner at content creator na si Diwata.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa pagtakbo ni Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay, sa darating na May 2025 Elections bilang 4th nominee ng Vendors Party-list.

Sa kanyang official Facebook account, nag-post si Rendon ng mensahe para kay Diwata kung sana diretsahan niyang tinanong kung kailan ito aatras sa pagkandidato.

“Si Rosmar (Tan) umatras na, kailan kaya aatras si Diwata? Hindi pa ba natatauhan?” ang laman ng unang FB status ni Rendon.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial inaatrasan na raw ng mga brands dahil sa isyu, true kaya?

Sinundan pa niya ito sa isang hiwalay na post ng, “Dalhin natin sa Marilque si Diwata kapag hindi umatras.”

Una nang inokray ng motivational speaker si Diwata nang maghain ito ng kanyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong October, 2024 sa The Manila Hotel Tent City.


“Baka akala ni Diwata mag luluto at mag titinda lang siya ng Pares, paki tanong nga kung alam niya yang pinapasok niya. Nag aalala ako para sa kanya,” ang post ni Rendon.

Samantala, proud na proud naman si Rendon sa naging desisyon ng kanyang kaibigan at kapwa social media personality na si Rosmar Tan na umatras na sa pagkandidatong konsehal sa unang distrito ng Maynila.

“Proud kuya here! Isang taon din yun pinag isipan ah.. Muntik na tayo guys,” ang post ni Rendon sa FB.

“Pero mas madami talaga natutulungan si Rosmar tumakbo o hindi, may kamera man o wala tumutulong talaga yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saksi ako diyan! mabuting tao talaga yan, sadyang madami lang haters at naiinis tlaga sakanya kasi forte niya tlaga mang inis hahahaha!” sey pa ni Rendon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending