Rosmar Tan hindi na tatakbong konsehal ng Maynila, anyare?
![Rosmar Tan hindi na tatakbong konsehal ng Maynila, anyare?](https://bandera.inquirer.net/files/2025/01/Screen-Shot-2025-01-30-at-2.24.01-PM.png)
PHOTO: Facebook/Rosmar
HINDI na itutuloy ng content creator at negosyanteng si Rosmar Tan-Pamulaklakin ang kanyang pagsabak sa pulitika.
Ito ay dahil umaatras na siya sa pagtakbo bilang konsehal ng unang distrito ng Maynila, base sa ulat ng INQUIRER.
Maghahain, aniya, siya ng certificate of withdrawal ngayong araw, January 30, sa headquarters ng Comelec sa Palacio del Gobernador, Intramuros.
Kung matatandaan noong October 1, isa si Rosmar sa mga social media influencers na naghain ng kandidatura sa unang araw pa lang ng filing of certificate of candidacy (CoC) para sa upcoming midterm elections.
Baka Bet Mo: Rosmar Tan nahanap si viral sampaguita girl, binigyan ng tulong
Sinabi pa nga niya na may isang indibidwal na nag-push sa kanya kaya nagdesisyon siyang kumandidato.
Wala raw talaga siyang balak tumakbo pero may mga nagtulak at nagkumbinsi sa kanya na subukan na rin ang public service.
Kasunod niyan, ibinandera ng motivational speaker na si Rendon Labador ang isang mahabang post tungkol sa pagtakbo ng kanyang kaibigan.
Kwento niya, pinuntahan niya si Rosmar upang kausapin at payuhan na mag-back out nalang sa pagtakbo sa eleksyon.
Ang payo niya sa kapwa-content creator, “Hindi mo alam ang pinapasok mo, hindi internet ang pulitika. Mag-backout ka na lang para matahimik na ang Pilipinas.”
Dagdag pa niya sa nasabing post, “Madami namang natutulungan si Rosmar kahit walang camera tumutulong yan, saksi ako doon.”
“Kaya masasabi ko lang, hindi na niya kailangang pumasok pa sa pulitika para lang tumulong ulit,” aniya pa.
As of this writing, wala pang detalye kung ano ang dahilan kung bakit hindi na itutuloy ng content creator ang kanyang pagtakbo sa 2025 midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.