Robin Padilla humingi ng tulong sa netizens: Pulitika o pelikula? | Bandera

Robin Padilla humingi ng tulong sa netizens: Pulitika o pelikula?

Therese Arceo - September 17, 2021 - 11:12 AM

NAGUGULUHAN ang aktor na si Robin Padilla kung papasok ba siya sa pulitika o sasalang sa pelikula.

Sa kanyang Facebook live, isiniwalat ng aktor na maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan.

“Kaya ako nag-live, maraming gumugulo sa isip ko eh. Napakadaming dumarating sa buhay natin, ang dapat nating pagdesisyunan.

“Ngayong October ang daming mangyayari, sabay-sabay. Kailangan akong magdesisyon. Kagabi, salat al estikara, sa Muslim po, yun ang dasal na humihingi ng tulong sa Panginoon na makapagdesisyon.

“Alam n’yo mga kababayan, naguguluhan ako. Sobra akong naguguluhan ngayon. Pinakamabigat na desisyon na ata itong nangyayari sa buhay ko. Kasi una, itong October, filing neto ng candidacy,” saad ng aktor.

Pinag-iisipan ng aktor kung tatakbo ba siya bilang senador, gobernador ng Camarines Norte, o alkalde sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kung saan apat na beses nanalo ang kaniyang ama bilang mayor.

“Binalak kong tumakbo sa Camarines Norte bilang governor pero na-shock ako doon sa gastos. Hindi ko kaya ‘yun. P150 million, saan naman ako kukuha non?

“Pero sa kalagayan ng mga tao ngayon sa Camarines Norte, wala na talagang inangat ang buhay ng tao. Nag-iisip talaga ako kung ano ba ang desisyon na gagawin ko,” pagpapatuloy nito.

Kung sakaling pagkasenador naman ang pasukin ng aktor ay balak nitong isulong ang minimithi nitong pederalismo.

“Pinag-iisipan ko din eh kasi alam niyo, kung meron talagang gamot sa korapsyon, pederalismo ‘yun. ‘Yun lang, wala na tayong iba kasi itong sistema na ‘to ng gobyerno na to, nandito lahat ng klase ng korapsyon,” paliwanag ng aktor.

Giit pa niya, ‘wag na raw magsisihan at magturuan kung sino ang “corrupt” dahil ang mismong sistema raw diumano ang totoong corrupt.

Kung sakali mang tahakin niya ang pagtakbo bilang mayor ng Jose Panganiban, isusulong nito ang pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bayan.

“May isang matinding proyekto doon na gustong magkaroon ng airport. Gustong magkaroon ng fishing port.

“Dyan po sa Jose Panganiban, sa Bicol. Kapag nagkaroon po tayo ng high tech na port dyan, airport at seaport ay madedevelop po ‘yan. Kapag nadevelop po ‘yan ay magkakaroon ng magandang kinabukasan unang-una ang mga taga-Camarines Norte,” saad ng aktor.

Kung sakali mang hindi siya tumuloy sa pagkandidato ay may offer siya na gawin ang “Bad Boy 3” at “Mistah 2”.

Humihingi ng tulong ang aktor sa mga netizens kung pulitika ba o pelikula ang kaniyang tatahakin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya kayo na lang po ang tatanungin ko, mga mahal kong kababayan, kung ano sa palagay niyo ang dapat kong gawin. Kayo na po ang magdesisyon kung sa pulitika tayo o pelikula,” hinging payo ng aktor.

Kung ikaw ang tatanungin, dapat ba niyang pasukin ang pulitika o mas nararapat siyang manatili sa industriya at gumawa ng mga pelikula?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending