Barbie Imperial inaatrasan na raw ng mga brands dahil sa isyu, true kaya?
TRULILI kaya na may ilang client na planong kunin si Barbie Imperial for a product posting ay umatras na? At ‘yung isa naman ay on hold muna?
Ito ang kuwento ng aming source dahil sa kinasangkutang isyu ngayon ni Barbie sa Viva talent na si Debbie Garcia kamakailan na ginanap sa isang bar and restaurant sa Quezon City kung saan part owner ang Kapamilya actress.
Tatlong kaso ang isinampa ni Debbie kay Barbie, ang slight physical injury, grave slander at grave oral defamation sa Quezon City Prosecutors Office. Pero bago nangyari ito ay nagpa-blotter muna ang una.
“Siyempre kapag ganitong may mga gulo, ayaw ng client kasi madadamay ang produkto nila, ‘yung isa papahupain muna kasi gusto talaga nila si Barbie kasi nasubukan na nila kaya gusto nilang kunin ulit. Yung isa umatras talaga, so, naghahanap ng iba,” kuwento ng aming source.
Nanatiling tahimik naman si Barbie at maraming gustong kunan siya ng reaksyon pero hindi siya sumasagot sa lahat ng tawag at text.
Inisip namin na baka tinanggap ni aktres ang imbitasyon ng kaibigan niyang lalaking Marites na si Xian Gaza na magpalipas muna ng ilang araw sa Bangkok, Thailand.
View this post on Instagram
May post kasi si Xian sa kanyang FB account ng, “Out muna ako sa socmed for a few days. May i-date lang akong artista. Babush.”
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Barbie o ng kampo niya tungkol sa isyu umanong umatras ang client na gusto siya kuning endorser.
Related Chika:
Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?
Debbie Garcia itinangging nagkaroon ng relasyon kay Diego, lumapit lang kay Barbie para bumeso
Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!
Debbie Garcia suportado ng Viva Artists Agency, naghain ng kaso laban kay Barbie Imperial
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.