Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa! | Bandera

Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!

Therese Arceo |November 02,2022
facebook
share this

Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!

Therese Arceo - November 02, 2022 - 03:00 PM

Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!
TO the rescue ang Pambansang Marites na lalaki na si Xian Gaza upang ipagtanggol ang kanyang longtime crush na si Barbie Imperial.

Matatandaang trending ngayon ang aktres dahil sa diumano’y panunugod nito sa Vivamax artist na si Debbie Garcia.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Xian ang maikling pahayag niya na tila may kinalaman sa isyu.

Kalat na rin kasi sa social media ang CCTV footage kung saan makikitang nag-aaway at umabot na nga sa pisikalan ang naging engkwentro ng dalawang aktres.

“Nag-submit ng CCTV footage sa media pero putol para hindi natin makita kung paano niya pinrovoke,” saad ni Xian.

Dagdag pa niya, “Mahinang nilalang. Magaling lang mang-agaw ng jowa.”

At kahit nga walang pangalang nabanggit si Xian ay alam na agad ng netizens na sina Barbie at Debbie ang pinatutungkulan niya sa kanyang post.

Sa isa pang hiwalay na post ay ibinahagi niya ang “exam reviewer” para sa netizens na abangers sa kung ano ang tunay na chika hinggil sa pangyayari.

Tila isang palitan ng talak sa pagitan ng dalawang tao ang ipinost ni Xian na may initials na “B” at “A”.

“B: ‘Bakit ba nakikisali ka dito sa amin ha? Wala ka bang friends??’

D: ‘Pake mo ba?! Kaibigan ko din naman sila ah??’

B: ‘So pati sila aagawin mo rin sa akin kagaya ng pag-agaw mo sa dalawang ex ko??’

D: *inaudible murmur*

B: ‘Ah ganon?!’ *wapak* *wapak* *wapak*

NARRATOR: ‘At tuluyang nabug/bog ang mang-aagaw… the end’,” ayon sa FB post ni Xian.

Nangyari ang insidente sa pagitan nina Barbie at Debbie noong Biyernes, October 28, sa isang bar sa Quezon City.

Ayon sa mga chika, selos raw ang naging ugat ng panunugod ni Barbie matapos “agawin” at i-date ng Vivamax artist ang ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga.

Agad namang nagtungo sa police station ang Vivamax artist upang magpa-blotter at isalaysay ang pangyayari. Posible ring mag-file ng kaso si Debbie laban sa aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Samantala, may kwelang hirit rin si Xian sa socmed kung saan ipinost niya ang kanyang larawan nag punit ang damit at may mga kalmot sa katawan.

Caption niya, “Xian Gaza matapos maging jowa ni Barbie Imperial”.

Wala pa namang pahayag ang Kapamilya actress hinggil sa insidente sa loob ng bar.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag para kina Barbie Imperial at Debbie Garcia hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Related Chika:
Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending