Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang... | Bandera

Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang…

Reggee Bonoan |September 30,2022
facebook
share this

Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang…

Reggee Bonoan - September 30, 2022 - 10:12 PM

Xian Gaza nakita si Erich Gonzales sa Switzerland: I was about to approach you nang...
SA kanyang bakasyon sa bansang Switzerland kamakailan ng self-proclaimed Marites (Tsismoso) ng Pilipinas na si Xian Gaza ay nakita pala niya ang aktres na si Erich Gonzales.

Si Erich ay kasalukuyang nandoon din sa Switzerland base sa mga larawang pinost niya sa kanyang Instagram at Facebook account. Kabilang ang Lake Brienz kung saan nag-shoot ang Korean drama series na Crash Landing On You.

Ilang oras pagkatapos mag-post ni Erich ng mga larawan niya sa IG ay nag-post naman ang dating nagyaya ng coffee date sa kanya na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account.

Sabi ni Xian, “Erich Gonzales, I saw you last time sa Interlaken, Switzerland. I was about to approach you nang bigla kong maalala na may asawa ka na nga pala kaya tumalikod na lang ako at nagpunas ng luha.”

Umabot sa 208 shares at 66,000 engagements ang post na ito ni Xian at sagot niya sa mga komento ay, “okay lang ako, salamat.”

Matatandaang niyaya ni Xian si Erich ng coffee date sa pamamagitan ng billboard noong 2017 na ikinabit sa may Morayta, Manila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)

Ang nakalagay sa billboard, ‘I can’t even espresso how much I like you a latte. Erika Gancayco. Will you… drink coffee with me?”

Hindi ito sinagot ni Erich base sa pahayag niya noon sa sa ABS-CBN online lalo na nu’ng naglabasan ang balita tungkol sa business deals ni Xian.

“Parang naging uncomfortable ako,” sambit ng aktres.

Noong 2017 ay nakilala ni Erich ang napangasawa niyang si Mateo Lorenzo at simula noon ay wala nang nabalitang naugnay sa aktres hanggang sa ikinasal sila nitong Marso 23, 2022.

Going back to Xian ay si Jennie ng BlackPink naman ang sumunot na niyaya niyang maka-date sa pamamagitan din ng billboard na itinaas sa bansang Korea noong Nobyembre 2021 at hindi rin siya sinagot.

Related Chika:
Melai ibinuking ang tunay na ugali ni Erich: Grabe siya, may offer pa sa akin yan na bahay!

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza trending na naman dahil sa hiwalayang Moira at Jason, pero bakit binanatan ng mga miyembro ng LGBTQ?

Erich mas gumanda at sumeksi matapos ikasal, pinayagan agad magtrabaho ng asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending