Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na 'nang-agaw' sa ex niya? | Bandera

Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Therese Arceo |November 02,2022
facebook
share this

Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Therese Arceo - November 02, 2022 - 11:55 AM

Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na 'nang-agaw' sa ex niya?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang aktres na si Barbie Imperial matapos kumalat ang umano’y panunugod at pananakit nito sa Vivamax artist na si Debbie Garcia.

Ayon sa kumakalat na balita at reported rin sa iba pang entertainment site, sinugod raw ng aktres ang sexy star dahil sa selos matapos nitong i-date ang kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Makikita nga sa CCTV footage ang pag-awat ng mga kalalakihan kay Barbie at inilayo kay Debbie ngunit hindi pa malinaw kung sino ang lalaking pumigil sa aktres.

Ang chika pa nga ay hinawakan raw ng aktres ang Vivamax artist sa magkabilang braso upang i-confront at doon na nga raw nagsimula ang magmurahan at pisikalan ng dalawa.

May mga bulung-bulungan pa nga raw na matagal na ang selos na nararamdaman ni Barbie sa sexy star kahit noong magkarelasyon pa sila ni Diego.

Gulat na gulat nga raw si Debbie sa mga pangyayari at agad na nagtungo sa Kamuning Police Station para ipa-blotter ang aktres.

Kokonsulta rin daw ang Vivamax artist sa mga abogado para alamin kung ano ang pwedeng i-file na kaso laban kay Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Debbie Garcia (@debsgarcia)

Sa ngayon ay wala pa namang tugon o pahayag si Barbie o ang kampo nito hinggil sa isyu.

Matatandaang isang buwan matapos nilang mag-celebrate ni Diego ng kanilang 1st anniversary ay umugong ang balitang nagkakalabuan na silang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Pero noong Pebrero 2022 nang basagin na ni Barbie ang kanyang katahimikan at kinumpirma na hiwalay na nga sila ng aktor.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Barbie hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Related Chika:
Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Barbie ayaw nang balikan ang mga ex-dyowa: I mean Lord, please guide me…sana wala na talaga!

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending