Barbie ayaw nang balikan ang mga ex-dyowa: I mean Lord, please guide me...sana wala na talaga! | Bandera

Barbie ayaw nang balikan ang mga ex-dyowa: I mean Lord, please guide me…sana wala na talaga!

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Barbie ayaw nang balikan ang mga ex-dyowa: I mean Lord, please guide me…sana wala na talaga!

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 07:15 AM

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

HINDI naniniwala ang Kapamilya young actress na si Barbie Imperial sa matandang kasabihang “love is lovelier the second time around.”

Hangga’t maaari ay ayaw na ng dalaga na makipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend, kapag daw tapos na ang relasyon, that’s it — at wala nang dahilan para magbalikan pa.

Base sa sariling karanasan, sinabi ng dalaga na kung hindi na naayos  ang problema habang magkarelasyon pa ang isang magdyowa ay wala nang dahilan para magkabalikan pa.

“Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Du’n na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nu’ng time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.

“Na du’n gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan. Parang you had your shot,” ani Barbie sa online presscon ng bagong Kapamilya series na “The Goodbye Girl”.

Hiling pa ni Barbie, sana raw ay makaya niyang mapanindigan ang desisyon niyang hindi na makipagbalikan sa mga dati niyang dyowa, “I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!” 

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Totoong mahirap daw magsalita nang tapos pagdating sa pakikipagrelasyon pero para kay Barbie kapag nasira na ang relasyon ay napakahirap nang ibalik ang pagtitiwala.

“That’s why maganda nga na good breakup talaga. As if nag-away na kayo, siraan, ganito, ganyan, parang ang hirap magkabalikan talaga.

“Pero yun nga, ulitin ko lang answer ko. For me, nandun ka na, e, sa time na magkasama tayo, sana du’n mo ginawa.

“If wala na, if big reason na ng paghiwalay namin, mahirap kasi sa akin na tanggapin yung mga bagay na nangyari. Parang hindi na,” mariin pang pahayag ni Barbie na mukhang naka-move on na nga sa paghihiwalay nila ng hunk actor na si Diego Loyzaga after more than a year ng pagiging magdyowa.

Bago si Diego, naging boyfriend din niya sina Paul Salas, Ryle Santiago at JM de Guzman.

Pahayag pa ni Barbie, “Biggest lesson ko pagdating sa love is learn to let go. Kasi minsan di na rin enough yung mahal niyo yung isa’t isa.

“Like, if kung wala nang growth, wala na kayo naiaambag na growth para sa isa’t isa. Para saan pa yung relationship if puro away, puro pangit nangyayari?

“Kahit mahal na mahal niyo isa’t isa, kailangan talaga i-let go or else mawawala ka,” paliwanag ng aktres.

At ngayong single na uli siya, “These days, ang dami ko nagagawa na di ko magawa-gawa noon kasi siguro in love na in love ako.

“Ginagawa ko yung sports na gustung-gusto ko before na di ko magawa. Nakakasama ko yung mga kaibigan ko na matagal ko nang di nakita.

“Importante na kahit may ka-relationship ka, di mababago yung mga gusto mo gawin sa buhay.

“Di ka dapat magbabago. Di mo dapat babaguhin sarili mo. Na wala namang mali sa ‘yo dahil lang di yun ang gusto or nakasanayan ng…ah, basta! Sa lahat yun. Wala namang name-drop!” chika pa niya.

Natanong din si Barbie at ang iba pang cast members ng “The Goodbye Girl’ kung ano ang “worst Valentine’s Day” nila. Sagot ng ex ni Diego, “Yung sa akin, worst ko, sa breakup ko before.

“And then, parang months after, parang dun ko nalaman na yung mga dinenay before, totoo pala. Tapos nalaman ko yun on Valentine’s Day, but wala na kami, so wala na ako magawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang confrontation or anythng. No choice but to move on. Pero yung betrayal, nandiyan pa rin sa iyo,” pahayag ng dalaga.

Barbie Imperial sa mga iniwan, sinaktan ng dyowa: OK lang na masaktan, tao lang naman tayo

Xian Gaza nag-sorry kay Barbie Imperial: Nawa’y mapatawad mo ako

Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending