Debbie Garcia itinangging nagkaroon ng relasyon kay Diego, lumapit lang kay Barbie para bumeso | Bandera

Debbie Garcia itinangging nagkaroon ng relasyon kay Diego, lumapit lang kay Barbie para bumeso

Therese Arceo |November 03,2022
facebook
share this

Debbie Garcia itinangging nagkaroon ng relasyon kay Diego, lumapit lang kay Barbie para bumeso

Therese Arceo - November 03, 2022 - 01:13 PM

Debbie Garcia itinangging nagkaroon ng relasyon kay Diego, lumapit lang kay Barbie para bumeso
PINABULAANAN ni Debbie Garcia ang isyu na naging third party siya sa relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Sa kanyang naging panayam kay MJ Marfori na uploaded sa TikTok, inamin ng Viva contract artist na talagang magkaibigan lang sila ni Diego.

May mga chika kasi na kumalat na ang aktor raw ang naging dahilan ng kung bakit nagkaroon ng iringan sina Debbie at Barbie na nauwi nga sa pisikalan.

Nagkasama sa isang sexy-drama movie ang dalawa na ipinalabas noong February 2022 sa Vivamax na pinamagatang “The Wife”.

“We’re not together po. We’re friends po. Magkaibigan po kami ni Diego,” paglilinaw ni Debbie.

Thankful rin ang Viva artist na nakpagpa-blotter siya at nakapagpa-medicolegal agad para na rin maging ebidensya laban sa mga kumakalat na fake news.

“Ang dami pong nagsi-circulate na mga kwento, hindi naman ‘yun ang totoong nangyari. Good thing noong gabing ‘yon, nagpa-medico legal ako tsaka nagpa-blotter po ako. Kumpleto po kami para po kung ano man ang mga ini-speculate ng mga tao,” pagbabahagi ni Debbie.

Kwento pa niya, hindi raw niya kinanti o prinovoke si Barbie taliwas sa mga kumakalat sa social media.

“Never po. Wala po akong any intention na ganoon kasi lahat po ng mga kaibigan ko nandoon. Ang saya saya po namin noong night na ‘yun. Lahat nga po masaya kasi wala nang tensyon, and nasa iisang table kami. So wala talaga. We didn’t expect it,” lahad ni Debbie.

Aniya, lumapit lang siya kay Barbie para bumati at bumeso.

“Tao akong lumapit sa kanya. Bebeso lang ako. Siyempre courtesy ‘no, pagdating niya nauna ako doon. I said hi kasi hindi naman tayo bastos. Noong pauwi ako ang plan ko lang is to say bye to everyone kasi mga kaibigan ko po ‘yon, business partners,” sey ni Debbie.

Pagpapatuloy pa niya, ayaw raw niyang bastusin si Barbie at daanan lang siya na parang wala lang dahil hindi naman daw niya ito pag-uugali.

@mjmarfori #fyp #debbiegarcia #barbieimperial #diegoloyzaga #showbiznews #entertainmentph #mjmarfori ♬ original sound – Mj Romualdez Marfori

“So ‘yung intention ko is really good. Walang anything po. So nagulat rin po ako na ganoon po ang reaction niya,” hirit pa ni Debbie.

Samantala, wala pa ring inilalabas na pahayag si Barbie hinggil sa isyu at sa reklamong isinampa laban sa kanya ng Viva artist.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw at sa pahayag ng kampo ni Barbie patungkol sa kontrobersyang kinakaharap laban kay Debbie.

Related Chika:
Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Debbie Garcia suportado ng Viva Artists Agency, naghain ng kaso laban kay Barbie Imperial

Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending