Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa 'It's Showtime': 'Kumain lang ng icing...paano naman yung nagmura?!' | Bandera

Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’: ‘Kumain lang ng icing…paano naman yung nagmura?!’

Alex Brosas |September 06,2023
facebook
share this

Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’: ‘Kumain lang ng icing…paano naman yung nagmura?!’

Alex Brosas - September 06, 2023 - 07:25 AM

Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa 'It's Showtime': 'Kumain lang ng icing...paano naman yung nagmura?!'

Ion Perez at Vice Ganda

PATULOY ang pagbuhos ng suporta para sa “It’s Showtime” matapos itong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board.

Sa latest na kaganapan, naglabas nga ng statement ang ABS-CBN regarding the issue, saying na maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa MTRCB.

“Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang ‘It’s Showtime’ sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito.

“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang ‘It’s Showtime’ sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People.

“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa ‘It’s Showtime.'” ‘Yan ang official statement ng ABS-CBN.

Sa X (dating Twitter), bumuhos ang suporta ng mga netizens na against sa pagpataw ng 12 day suspension ng MTRCB sa nasabing noontime show.  Talagang ipinaglaban nila ang “It’s Showtime”.

Bash ang inabot ni MTRCB Chairperson Lala Sotto. There are those pa nga na nawagan ng pagre-resign nito sa kanyang puwesto.

“MTRCB reign supreme for suspending It’s Showtime over Vice Ganda and Ion Perez icing incident. Tapos yung nagmura on national TV walang suspension? Galing mo Lala Sotto bwhwhwhwhwwhwhwhw!!”

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

“TANG *NA PATI YUNG NIP SLIP ACCIDENT NA WALA NAMANG MAY GUSTONG MANGYARI, DINIDIIN SA IT’S SHOWTIME?? PERO YUNG PAGMUMURA, RACIST JOKE, AT MENTAL HEALTH INVALIDATION SA EAT BULAGA, WALA LANG?? NAPAKAGAGO NG MTRCB.”

“The suspension of  @itsShowtimeNaproves that the MTRCB board led by Lala Sotto has no credibility, and it’s really unfair to impose this when only dirty minds would think that @vicegandakowas rude. This isn’t about the icing issue anymore; it smells like a conflict of interest.”

“Iloveyou @itsShowtimeNa. Wala na makakatibag sa inyong samahan isama nyo pa kaming madlang Pipol!! Kasama nyo kami sa hirap man o ginhawa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang nakakalocca pala ditechiwa wala daw DUE PROCESS yung suspension ng MTRCB. Tapos yung EAT malaya silang gawin mga pagpaparinig at magmumura on live TV. Galing mo LALA SOTTO.”

“God is good! Kailangan namin mga milyon milyong Kapamilya at kapuso ang manood kada tanghali ng it’s showtime na hindi kailanman mai provide ng TV 5 tuwing tanghali dahil mas bet nila ang boring na show ng mga tvj and i thank you.”

“Masyado nio kasing ginalingan kaya THREATENED sila.. Cool lng tayo madlang pipol, KAPAMILYA FOREVER MABUHAY.”

“We will always be here to support all of u! FIGHTING.”

“Mag aantay paden kahit suspended. Hanggang 12 days pa yan. Hindi Ako mag babago Ng noontime show ko the best paren hey.”

“#lalasottoBABAsapwesto.”

“KEBS NA SA SUSPENSION. KAHIT SA GRINDR MAGSHOW ANG ITS SHOWTIME, SUSUNDAN YAN NG VIEWERS.”

Any comment, Ms. Lala?

ABS-CBN nanindigang walang nilabag na batas ang It’s Showtime, aapela sa MTRCB

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending