ABS-CBN nanindigang walang nilabag na batas ang It’s Showtime, aapela sa MTRCB
MAY sagot na ang pamunuan ng “It’s Showtime” sa ipinataw na 12-day suspension sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ang official statement ay ipinadala sa amin ni ABS-CBN Corporate Communications Head, Mr. Kane Errol Choa.
Narito ang nilalaman ng statement ng Kapamilya Network, “Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang ‘It’s Showtime’ sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito.”
Nabanggit sa statement na magpapasa ng motion for reconsideration ang programa sa MTRCB.
“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas.
View this post on Instagram
“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang ‘It’s Showtime’ sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People,” ang nakasaad pa sa opisyal na pahayag ng network.
Baka Bet Mo: ‘Voltes V: Legacy’ aprub na aprub kay Michael V: ‘Sa simula pa lang naluha na ‘ko! Hindi ako makapaniwala…’
Sobrang nagpapasalamat naman ang programa sa kanilang mga tagasubaybay, nagmamahal at patuloy na nagtatannggol sa kanila sa lahat ng oras.
“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa ‘It’s Showtime.”
Samantala, nag-tweet naman si Vice Ganda, ang main host ng “It’s Showtime” pagkatanggap nila ng balitang suspendido ang programa nila.
Tweet ni Vice, “In the middle of every difficulty, lies opportunity.”
Trending sa kasalukuyan ang “It’s Showtime” sa social media, partikular sa X (dating Twitter), pati na ang MTRCB at si Chairperson Lala Sotto.
Lala Sotto pinangarap ding mag-artista noon, may natanggap na mga offer…pero anyare?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.