Promise ni Kim matapos patawan ng 12-day suspension ng MTRCB ang Showtime: 'Saan man tayo dalhin, anuman ang mangyari basta’t magkakasama tayo' | Bandera

Promise ni Kim matapos patawan ng 12-day suspension ng MTRCB ang Showtime: ‘Saan man tayo dalhin, anuman ang mangyari basta’t magkakasama tayo’

Ervin Santiago |September 05,2023
facebook
share this

Promise ni Kim matapos patawan ng 12-day suspension ng MTRCB ang Showtime: ‘Saan man tayo dalhin, anuman ang mangyari basta’t magkakasama tayo’

Ervin Santiago - September 05, 2023 - 11:42 AM

Promise ni Kim matapos patawan ng 12-day suspension ang Showtime: 'Saan man tayo dalhin, anuman ang mangyari basta’t magkakasama tayo'

Kim Chiu kasama ang iba pang hosts ng ‘It’s Showtime’

KINAMPIHAN ng karamihan sa mga Kapamilya at Kapuso viewers ang ABS-CBN sa naging pahayag nito tungkol sa 12 araw na suspensiyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB laban sa “It’s Showtime.”

Nanindigan kasi ang Kapamilya Network na walang nilalabag na batas ang kanilang noontime program at nangakong aapela sa MTRCB para  kontrahin ang naging desisyon ng ahensiya.

Naging top trending topic ang “It’s Showtime” sa social media kahapon hanggang ngayong araw pati na rin ang MTRCB at ang pangalan ng Chairperson ng ahensiya na si Lala Sotto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bumuhos ang pakikisimpatya sa programa nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Chiu, Jhong Hilario at Karylle ng madlang pipol at nagkakaisa sa pagsasabing unfair at hindi makatarungan ang ipinataw na parusa ng MTRCB.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kim ng litrato ng mga host ng “It’s Showtime” kalakip ang mensahe niya sa kanilang mga tagasuporta matapos ngang ilabas ang resolusyon ng MTRCB laban sa kanilang programa.

Aniya sa caption, “FAMILY! (heart emojis na sumisimbolo sa kulay ng ABS-CBN logo) @itsshowtimena family mahal ko kayong lahat!!!!”

Pangako pa niya sa madlang pipol, “Saan man tayo dalhin, ano man ang mangyari basta’t magkakasama tayo. Together as One! #GiftOfFamily #GiftOfHappiness #GiftOfMakingPeopleHappy.”

Baka Bet Mo: Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na ‘street food’ date

Narito naman ang ilang reaksyon ng kanyang IG followers sa comments section na halos lahat ay nagsabing dismayado sila sa MTRCB.

“Kung may nilabag talaga sila ok parusahan, pero dapat ipaliwanag nila
Ang diko maintindihan ung nagpapakita ng fefe at tete sa mga movies nila legal at di sinisita. Ung mga unang nakaupo jan dati napaka strick nila sa mga bed scene.”

“MTRCB come on get real now! Ang dami dyan na dapat maparusahan Pero Showtime talaga? Dito sa U.S. Ito Lang ang form of enjoyment.

“Showtime can we watch via YouTube or FB?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kyo lang SHOWTIME sakalam kahit madaming nangungupal sa inyo di kami magsasawang maghintay gaano man katagal pagbabalik nyo.”

“Off ang TV for 12 days…buti naman. tipid Sa kuryente.”

“A family ALWAYS remains a FAMILY & that’s SHOWTIME FAMILY! SHOW (THEM the) TIME (that you’re not only a family to yourselves but, most especially for the MADLANG PIPOL family! No matter what….please do remember we’re very happy & grateful to be a part of this amazing family! Yehey!!!”

“It’s for healing bakasyon muna kayo @chinitaprincess. wala eh mga karapal eh mga kalaban eh. masyadong insecure baka mag hirap ang Sotto.”

“Suspended man ng 12days khit rrplay angnipalabas panonoorin ko pa rin. Solid Showtime..ilobe showtime specially Meme Vice and all of you..Pray lang malalampasan din yang MTRCB sana lang maging Bias cla.”

“Inaalisan nyo lagi ng karapatan ang kapamilya para magpasaya. Makikita nyo din sa finals.. I hate you MTRCB. really right now.. Sino ka man na nakaupo. Basta.. Sana diyos na bahala sayo… Inalisan mo ko ng kasiyahan.”

Jake dedma muna sa babae, uunahin ang pamilya: Gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending