Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na 'street food' date | Bandera

Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na ‘street food’ date

Ervin Santiago |March 03,2022
facebook
share this

Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na ‘street food’ date

Ervin Santiago - March 03, 2022 - 07:37 AM

Jeric Gonzales

MAGUSTUHAN at mag-enjoy kaya ang magiging dyowa ng Kapuso actor at singer na si Jeric Gonzales sa nai-imagine niyang dream date? 

Para sa binata, mas okay para sa kanya ang simpleng date with his girlfriend pero super romantic at unique naman ang impact.

Kung ang ibang lalaki ay talagang nag-iipon at nag-e-effort para madala sa mga bonggang lugar ang kanilang mga dyowa o nililigawan pa lang, iba naman ang style ni Jeric pagdating sa usapang dream date.

Para sa Kapuso star, gusto niya raw dalhin ang kanyang special someone sa isang “street food” date.

“Gusto ko ‘yung simple lang talaga eh ‘yung dadalhin ko si girl sa simpleng street food ganu’n, tapos pupunta kami sa church,” ang pahayag ni Jeric sa isang episode ng GMA Zoomustahan.

Aniya pa, “Pagkain ng mga balot. Mga simpleng pagkain, as long as masaya kayo okay na.” 

View this post on Instagram

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


Sa isang panayam, inisa-isa ng binata ang mga qualities na hinahanap niya sa isang babae at isa na nga riyan ang pagiging masunurin at narespeto sa mga magulang.

Ang top five qualities na ito ay, “Magaling kumanta, maputi, cool kasama, masunurin sa magulang, tapos tama lang katawan, slim.”

Matatandaang na-link noon si Jeric kay Sheryl Cruz na co-star niya sa Kapuso series na “Magkaagaw”. May mga chika pa nga na matagal na silang may lihim na relasyon pero mariin itong dinenay ng binata.

“I have no idea where that information came from. There was no courtship. I never courted Ms. Sheryl. We’re friends and we were professional as coactors in ‘Magkaagaw.’

“I was happy about that. But in terms of love life, no such thing happened,” sey pa ni Jeric.

Kamakailan ay may lumabas na tsismis na nagkakamabutihan na raw sina Jeric at Rabiya Mateo pero wala pa rin silang kumpirmasyon o denayal hinggil dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagsabi naman sa amin na single pa rin hanggang ngayon ang binata pero tulad nga ng sinabi niya sa isang interview ilang buwan na ang nakararaan, “But I’m very happy. I’m single and happy. I have lots of dreams and goals I want to achieve, so I’m focusing on those…and my family, of course.”

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Jeric umamin na sa tunay na relasyon nila ni Sheryl: Very, very close kami, special ‘yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending