'Prinsesa ng City Jail' nina Sofia at Allen naka-88M views agad

‘Prinsesa ng City Jail’ nina Sofia at Allen naka-88 million views agad

Ervin Santiago - February 02, 2025 - 07:00 AM

'Prinsesa ng City Jail' nina Sofia at Allen naka-88 million views agad

Sofia Pablo at Allen Ansay

WINNER na winner sa mga Kapuso viewers all over the universe ang pinagbibidahang teleserye ni Sofia Pablo na “Prinsesa ng City Jail.”

Base sa isang post ng GMA Drama, nakakuha ang programa ng 88 million views across all social media platforms hanggang nitong January 20.

Ibig sabihin, isang linggo mula nang mag-world premiere ito noong January 13, marami na agad ang sumubaybay sa kwento ni Princess.

Baka Bet Mo: Angelica, Camille hindi nagpaapekto sa showbiz rivalry: Alam namin kapag pinag-aaway kami at never kaming nagplastikan

Bukod naman sa success nito online, consistent din ang mataas na TV ratings ng “Prinsesa ng City Jail.”

Talagang maraming kinikilig at napapabilib sa aktingan nina Sofia at Allen Ansay, kasama sina Dominic Ochoa, Denise Laurel, Beauty Gonzalez, at marami pang ibang bigating artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)


Komento ng isang fan sa GMA Network YouTube channel, “Ganda ng story at magaling lahat ng mga cast. Pagdating sa iyakan, ikaw na talaga, Sofia Pablo! Bigat ng mga eksena, nakakaiyak at nakaka-excite.”

Simula pa lang ng inspiring na kuwento ni Princess kaya tutok lang sa “Prinsesa ng City Jail,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

* * *

Sa nalalapit na pagtatapos ng high-rating GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” mapapanagot na nga kaya ni Atty. Lilet (Jo Berry) si Patricia (Sheryl Cruz)?

Ngayong nabunyag na sa lahat na si Patricia ang totoong pumatay kay Atty. Meredith (Maricel Laxa), gagawin ni Lilet ang lahat para pagbayarin ito. Pero hanggang saan kaya aabot ang pagtakas ni Patricia sa kanyang mga kasalanan?

Ngayon pa lang, nase-sepanx na ang viewers na ilang buwang tumutok sa mga laban at kasong ipinanalo ni Atty. Lilet.

Sey ng isang viewer sa GMA Drama Facebook page, “Sana magka-season 2 ang Lilet Matias. Naantig talaga puso ko sa palabas na ‘to.”

“Mahusay ang acting at napaka-captivating ng kwento. Mamimiss namin kayo lalo na si Atty. Lilet, deserve mo ng happy ending!” komento ng isa pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang bibitiw sa huling linggo ng “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” 2:30 p.m. Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending