Jillian nag-reflect: Hindi mo alam kung anong mangyayari sa 'yo

Jillian Ward nag-reflect: Hindi mo alam kung anong mangyayari sa ‘yo

Ervin Santiago - February 26, 2025 - 06:00 AM

Jillian Ward nagreflect: Hindi mo alam kung anong mangyayari sa 'yo

Jillian Ward

MAS naging mature na ngayon ang pananaw ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa life matapos magkaroon ng chance na makapag-reflect.

Sa pagdiriwang ni Jillian ng kanyang 20th birthday, inamin niyang marami pa siyang realizations sa buhay lalo na ang makatotohanang kasabihang “life is short.”

“Recently po kasi napansin ko ang daming nagkakasakit, even myself, so nagkaroon ako ng time to contemplate about life.

“Nag-self-reflect ako, sabi ko, ‘Life is so short, gusto ko mag-show ng appreciation sa lahat ng mga taong nasa buhay ko, mga taong sumuporta sa ‘kin or nagbigay sa ‘kin ng experiences,’” ang pahayag ng “My Ilonggo Girl” star sa panayam ng “24 Oras.”

Baka Bet Mo: Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’

Dagdag pa ng dalaga, “Kasi sobrang hindi mo po alam kung anong mangyayari sa buhay mo.”

Ayon kay Jillian, lahat ng mga friends at nakatrabaho niya sa mga ginawa niyang acting projects nitong mga nagdaang taon ay inimbitahan niya, pati na ang co-star niya sa “Prima Donnas” na si Sofia Pablo.

Matatandaang nabalita noon na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Jillian at Sofia na nakaapekto sa kanilang friendship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Yeah, I invited everyone na naka-work ko. In-invite ko lahat, yes, everyone. Kasi gusto ko talaga na lahat ng naka-work ko, lahat ng kumbaga nakilala ko e makapunta sila kasi para sa’kin, na-realize ko, life is an experience lang po talaga e.

“We’re meant to experience life and we’re meant to appreciate people na dumating sa buhay natin,” ani Jillian.

At sa tanong kung handa na ba siyang magkaroon ng lovelife ngayong 20 na siya, lalo pa’t nali-link siya ngayon sa “Mga Batang Riles” actor na si Raheel Bhyria.

“Feeling ko po talaga dalaga na ‘ko kasi ganu’n po talaga, may nag-aaya na po sa ‘kin, tapos may mga nagreregalo, ganyan. Ewan ko! Ha-hahaha!” chika ni Jillian.

Sagot naman niya tungkol kay Raheel, “Ewan ko po sa kaniya, pero nagdala po siya ng flowers, nag-usap lang kami, kumain lang kami, so ayun. Ewan ko diyan, asan ba ‘yun?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nang usisain si Raheel tungkol sa pagde-date raw nila ni Jillian, natawa rin ang binata sabay sabing, “Date ba tawag du’n? Hindi naman ‘ata date tawag du’n pero kung ang tanong kung ako ang nauna, ako ang nauna. I wanted to show her na na-appreciate ko siya kaya ko ‘yun ginawa para sa kaniya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending