Trulili ba, Rabiya Mateo at Jeric Gonzales hiwalay na naman?

Trulili ba, Rabiya Mateo at Jeric Gonzales hiwalay na naman?

Ervin Santiago - August 28, 2024 - 07:40 AM

Trulili ba, Rabiya Mateo at Jeric Gonzales hiwalay na naman?

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

TRUE kaya ang kumakalat ngayong chika – hiwalay na uli ang celebrity couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales?

Yan ang usap-usapan ngayon ng mga Marites all over the universe! Kapansin-pansin daw kasi na hindi na nagpo-post sa social media ang magdyowa ng mga pictures and videos nila together.

Bukod dito, nakapagtataka ring hindi binati ni Rabiya sa pamamagitan ng socmed ang kanyang boyfriend noong mag-birthday ito last August 7.

Baka Bet Mo: Rabiya Mateo may inamin sa relasyon nila ni Jeric Gonzales, ano yarn!?

Sa panayam ng ating colleague at veteran entertainment writer na si Gorgy Rula kay Jeric ay mukhang may “something” nga sa pagitan ng magdyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


Tinanong kasi ang aktor kung ano ang pa-birthday gift sa kanya ni Rabiya noong birthday niya na sinagot ng binata ng, “Siguro sa ngayon wala pa kasi busy, support and wished me good career.”

Sundot na tanong sa Kapuso star, kung napag-usapan ba nila ni Rabiya na gawing mas private ang kanilang relasyon, paiwas na sagot ni Jeric, “Right now wala pa e, ‘cause focus pa ako sa work ko and siya rin. Happy lang ako sa mga nangyayari ngayon and sa kanya-kanyang career namin.”

Hanggang sa naging diretsahan na ang pagtatanong ni Gorgy kay Jeric kung sila pa rin ba hanggang ngayon na sinagot ng aktor ng, “Right now wala pa e. Happy and yes, nagsusuportahan kami.”

May mga litrato pa naman sina Rabiya at Jeric na magkasama sa kani-kanilang Instagram page pero medyo matagal nang na-post ang mga ito kaya naman ang feeling ng netizens, mukhang tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang love story.

Baka Bet Mo: Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Pero may nagkomento naman na baka talagang busy lang sa kani-kanilang career ang magdyowa at pareho silang nagdesisyon na hinay-hinay muna sa kanilang relationship.

Nabalitang nag-break ang Kapuso celebrity couple noong June, 2022 nang i-unfollow nila sa Instagram ang isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


Muling nagkita at nagkasama ang dalawa sa GMA Gala Night na ginanap sa isang hotel sa The Fort noong July 30, 2022. At ang pagkakaalam namin, dito na nagsimula ang part 2 ng kanilang love story.

At kung totoo nga ang chika na naghiwalay sila uli, siguradong masa-sad ang fans at mga kaibigang umaasang sa kasalan din mauuwi ang kanilang love story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Jeric at Rabiya hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending