Rabiya Mateo inaming 'pahinga' niya si Jeric Gonzales, banat ng aktor: 'Sa kaniya ako napapagod' | Bandera

Rabiya Mateo inaming ‘pahinga’ niya si Jeric Gonzales, banat ng aktor: ‘Sa kaniya ako napapagod’

Therese Arceo |July 22,2023
facebook
share this

Rabiya Mateo inaming ‘pahinga’ niya si Jeric Gonzales, banat ng aktor: ‘Sa kaniya ako napapagod’

Therese Arceo - July 22, 2023 - 06:39 PM

Rabiya Mateo inaming 'pahinga' niya si Jeric Gonzales, banat ng aktor: 'Sa kaniya ako napapagod'
TALAGA namang laughtrip ang naging hatid ng mga banat ng Kapuso couple na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo sa mga naging sagot nito sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, July 20.

Tila may halong pagka-berde kasi ang sagot ng dalawa lalo na nang sabihin ni Rabiya na puwet ang sexiest part ng dyowa at madaling araw ang best time para sa kanilang “happiness”.

Ngunit naging seryoso naman sina Rabiya at Jeric nang tanungin na sila patungkol sa kanilang relasyon.

Matatandaang nag-break na noon ang dalawa ngunit noong February 2023 nang kumpirmahin nilang nagkabalikan sila.

“Hindi ko talaga natiis, hindi ko siya natiis. Ibig sabihin, true love talaga yon,” kuwento ni Jeric sa dahilan ng kanilang come back ni Rabiya.

Nakumusta rin ni Boy ang ganap sa mga kanilang karera sa showbiz.

““Yung career namin, individual talaga. Hindi kami as a love team. I think that’s the beauty in it kasi since hindi kami magkasama sa work, pagdating sa bahay, parang siya ang pahinga ko,” lahad ni Rabiya.

Bandera IG

Baka Bet Mo: Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out

At dahil sa naging sagot ng beauty queen-actress ay binalingan naman niya si Jeric.

“Ganda naman niyan. ‘Siya ang pahinga ko’. Kung pahinga ka ni Rabiya, ano siya sa yo?” tanong ni Boy.

“Sa kanya ako napapagod,” walang malisyang sagot ni Jeric.

“Hindi ko kinakaya ito,” nalolokang sabi ni Tito Boy kina Rabiya at Jeric.

Agad namang napakomento ang mga netizens kung paano ba siya pinapagod ng beauty queen.

“Anong klaseng pagod ba yung ginagawa sa’yo ni Rabiya, Jeric? Hahaha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Parang dalawang meaning ng pagkapagod ang naiisip ko hahaha.”

“Masyado mo namang pinapagod si Jeric, Rabiya! Kakaloka haha,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “Kung ganyan naman kasi kaguwapo at kacharming ang jowa mo, papagurin mo talaga hahaha.”

Samantala, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag sina Rabiya at Jeric ukol rito.

Related Chika:
Rabiya Mateo ‘nagtatakbo’ nang akalaing magpo-propose na si Jeric Gonzales: ‘And I said YES!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Confirmed: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo nagkabalikan makalipas ang ilang buwang hiwalayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending