Jeric Gonzales in good terms pa rin kay Rabiya kahit hiwalay na | Bandera

Jeric Gonzales in good terms pa rin kay Rabiya kahit hiwalay na

Therese Arceo |September 24,2022
facebook
share this

Jeric Gonzales in good terms pa rin kay Rabiya kahit hiwalay na

Therese Arceo - September 24, 2022 - 02:03 PM

Jeric Gonzales in good terms pa rin kay Rabiya kahit hiwalay na

NAGSALITA na ang aktor na si Jeric Gonzales matapos ang kanyang pananahimik patungkol sa hiwalayan nila ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo.

Sa kanyang panayam kay Nelson Canlas sa isang episode ng podcast nitong “Updated with Nelson Canlas” ay natanong siya kung kumusta na nga ba sila ng dating kasintahan.

“After what happened—the controversies and issues—nag-stay kami na friends, good friends,” saad ni Jeric.

Aniya, mahirap raw sabihin na nagkabalikan sila pero sa ngayon ay ang masasabi niya patungkol sa relasyon nila ay nananatili silang good friends.

“Mas gusto na lang namin sabihin na we’re good friends and we support each other. Hindi kami ‘yung nag-break na as in wala na talaga, nag-away, gano’n. We want it [to be] private lang, we’re on good terms,” dagdag pa ni Jeric.

Pagkukuwento pa niya, napanatili naman daw nila ang magandang relasyon sa isa’t isa dahil wala naman daw nangyaring malaking awayan sa pagitan nila.

Bagamat maayos ang kanilang naging paghihiwalay ay inamin ni Jeric na naging “depressing” pa rin ang pangyayari para sa kanya.

“Ang hirap e. Marami talagang taong nakikialam. Maraming issues na darating sa kanya [at] sa akin, so mas healthy na focus kami sa work pero at the same time, OK naman kami,” lahad pa ng aktor.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

 

Unang kumalat ang chika na may “something” sa pagitan nina Jeric at Rabiya noong 2021 matapos silang makitang sweet na magkasama sa isang amusement park sa Laguna.

At nitong March 2022 nga nang tuluyang umamin ang dalawa sa publiko patungkol sa kanilang relasyon.

Ngunit makalipas nga ng ilang buwan ay umugong naman ang chika mukhang nagkakalabuan na sina Jeric at Rabiya nang magkaroon ng cryptic post ang huli.

“I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve,” saad sa photo card na ibinahagi ng dalaga.

Makalipas ang isang buwan ay pumutok nga ang balitang tuluyan na silang naghiwalay matapos mamataan ng mga netizens na nag-unfollow na sila sa Instagram account ng bawat isa at nawala na rin ang mga larawan nilang magkasama sa kanilang IG.

Sa ngayon ay muli na ngang pina-follow nina Jeric at Rabiya ang isa’t isa.

Related Chika:
Jeric Gonzales nagbura ng mga pictures sa Instagram, hiwalay na kay Rabiya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya, Jeric in-unfollow sa IG ang isa’t isa, tuluyan na nga bang naghiwalay?

Jeric Gonzales feeling super lucky nang maging dyowa si Rabiya Mateo; may pinatunayan sa mga laiterang basher

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending