Jeric Gonzales feeling super lucky nang maging dyowa si Rabiya Mateo; may pinatunayan sa mga laiterang basher
ITINUTURING na “lucky charm” at isa sa mga biggest blessing na natanggap ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Ayon sa binata, mas sumipag at mas naging inspired pa siya ngayong magtrabaho nang dahil kay Rabiya dahil nagkakatulungan sila sa kani-kanilang career.
Inialay din ng Kapuso singer-actor ang mga natanggap niyang best actor award kay Rabiya mula sa dalawang international film festival para sa pelikulang “Broken Blooms.”
“These are all blessing. She’s a blessing to me. If I was inspired back then, I’m even more inspired now. It feels good knowing that there’s someone who takes care of you, believes in you and pushes you to do your best,” pahayag ni Jeric sa naganap na virtual mediacon ng GMA 7 para sa bonggang contract signing event ng Sparkle GMA Artist Center na “Signed For Stardom” last May 26.
Sabi pa ni Jeric, “When Rabiya came into my life, I felt more driven to hone my talent, build my career and focus on achieving my goals. I still have a lot of goals.
“I thought (pinagsabay ang career at love life) was going to be difficult. But I didn’t feel like I wouldn’t be able to handle it. I became even more driven to push myself.
“For the longest time, wala akong pinapakilala. It’s the first time I admitted to being in a relationship. I couldn’t be more proud to share with people how lucky I am to have her. I’m so happy,” paliwanag pa ng aktor.
View this post on Instagram
Umaasa rin si Jeric na mabibigyan uli sila ng chance ni Rabiya na makagawa ng project together after nilang magsama sa isang episode ng “Wish Ko Lang.”
“We’re excited about the opportunities, the projects that we can work on together. I hope we can do a show or play as her leading man. I feel like that would be fun. I’m happy we both signed with GMA 7 at the same time, and I hope that allows us to grow together,” ani Jeric.
In fairness, sunud-sunod ang blessings kay Jeric Gonzales ngayong 2022. Bukod sa tinanggap na Best Actor trophy sa Critics Choice Awards ng Mokkho International Film Festival at Best Actor Award sa Harlem International Film Festival, may bago na naman siyang bonggang project sa GMA 7.
Kasali si Jeric sa inaabangan ngang Pinoy version ng Korean hit series na “Start-Up Ph” na pinagbibidahan nina Alden Richars at Bea Alonzo.
“I’m very grateful of course kasi in my 9th year in showbusiness, I am going to continue my goal and my dream as an artist and as an actor.
“Marami pa akong gustong gawin dito sa industriya sa pagkanta, sa pag-arte. Marami pa akong dream roles. Marami pa akong gustong gawin. Hopefully in the coming years magawa ko,” aniya pa.
At tungkol naman sa kanyang best actor awards, “It means so much to me kasi dream ko talaga ‘yan na gumawa ng pelikula at maging lead doon. Natupad naman, nagawa ko itong Broken Blooms na naging lead ako pero yung ma-recognize ka internationally as best actor; I am beyond grateful.”
“Parang it proves na I deserve to be here. Parang ganoon. I am very proud of myself of course kasi ‘yung journey I had dito sa showbusiness.
“I’ve been bashed, ang daming comment sa akin about sa acting ko, ngayon I am happy to prove na I can act. Matatawag ko na ang sarili ko na aktor talaga,” ani Jeric.
https://bandera.inquirer.net/308511/jeric-nag-propose-muna-kay-rabiya-bago-nanligaw-love-story-nagsimula-sa-wish-ko-lang
https://bandera.inquirer.net/314806/rabiya-ipinaglaban-ang-pag-ibig-kay-jeric-ang-dami-kong-isinakripisyo-kapag-nagmahal-po-talaga-ako-all-out
https://bandera.inquirer.net/314612/rabiya-mateo-malalim-ang-hugot-may-konek-kaya-sa-relasyon-nila-ni-jeric-gonzales
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.