Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out | Bandera

Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out

Ervin Santiago |June 01,2022
facebook
share this

Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out

Ervin Santiago - June 01, 2022 - 07:19 AM

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

MANGIYAK-NGIYAK si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.

Unang-unang nilinaw ng beauty queen at Kapuso actress ang tsismis na hiwalay na sila ni Jeric matapos magkaroon ng matinding problema sa kanilang relationship.

Ayon kay Rabiya, maayos ang relasyon nila ng Kapuso hunk pero inamin niya na hindi rin naman perfect ang kanilang samahan tulad ng ibang ordinaryong couples.

Natanong kasi ang dalaga sa ginanap na virtual mediacon kanina ng mga Sparkle artists ng GMA 7 kung ano ang mas mahalaga sa kanya, career o love life?

Nagpakatotoo naman sa kanyang sagot ang aktres at sinabing ibang klase raw kasi talaga siyang magmahal — as in all-out daw siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Ang dami kong isinakripisyo for this one. Kapag nagmahal po talaga ako all-out, and I can sacrifice on few things kung yun po ang makakapagpabuti sa akin and kay Jeric,” simulang pahayag ni Rabiya na naluluha na habang nagsasalita.

Patuloy pa niya, “Mahalaga sa akin yung trabaho, pero mahalaga rin sa akin si Jeric.”

Sundot na tanong sa Kapuso star, may kinalaman ba sa relationship nila ni Jeric ang cryptic post niya Instagram na, “I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve.”

“Wala naman po. Life as a whole na there are things na I do regret na ginawa ko sa sarili ko, and I tolerated that.

“It has nothing to do with Jeric, dahil kami ni Jeric ay lumalaban po talaga kami sa buhay.

“Aminado naman po namin na we’re not perfect, and alam ko when we were starting, ang daming nagsasabi na sa akin talaga na if you want to have a blooming career in showbiz, huwag daw mag-boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“Huwag daw pumili ng artista. Pero I didn’t listen to that and I chose to love at its fullest,” emosyonal pang pahayag ni Rabiya.

Wala naman daw siyang intensiyong patunayan sa lahat na tama ang naging desisyon niyang ipaglaban si Jeric, “I just want to be the author of my story. Kasi, there were moments in my life din na akala ko, pag nakinig ako sa iba, yun po yung makapagpabuti sa akin.

“And I would have revenge na sana I did what I want, na sana sinunod ko kung ano yung voice inside my head, and this time siguro mas matapang ako makipaglaban kung ano ‘yung mga importante sa akin,” paliwanag ni Rabiya.

Samantala, todo rin ang pasasalamat ni Jeric sa girlfriend dahil sa suporta at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya sa kabila nga ng mga challenges sa kanilang relasyon.

“Mahirap po, pero masarap,” ang sabi ni Jeric kasabay ng pagsasabing isang malaking blessing sa buhay niya si Rabiya at mas lalo pa raw siyang nai-inspire ngayon na magtrabaho at magsumikap.

“Nine years ako dito sa GMA. So, lahat yun ginawa ko, mag-workshop, nakuha ko lahat na experience sa mga veteran actors na nakasama ko. Sa singing, ginawa ko naman lahat.

“Ngayon, nang dumating siya Rabiya]m, hindi maiaalis na she’s a blessing talaga to me. Kung ano ang ginawa ko dati, na-inspire ako. Mas na-inspire pa ako ngayon.

“Ang sarap sa pakiramdam na may someone na nandiyan na nag-aalaga sa ‘yo, nag-a-advise sa ‘yo, naniniwala sa ‘yo, pinu-push ka pa lalo na gawin yung best sa lahat na ginagawa mo,” lahad pa ng aktor.

Pag-amin pa niya, “It’s hard talaga kapag pareho kayo sa showbiz. Pero I think, more on communication talaga and understanding.

“Yun lang ang dapat naming gawin. Magtulungan kami sa isa’t isa, mag-intindihan kami sa isa’t isa. Ayusin namin, and sa tingin ko kaya naman,” aniya pa.

Isa na ring maituturing na award-winning actor si Jeric matapos manalong Best Actor sa iba’t ibang international film festival para sa pelikulang “Broken Blooms”.

Siya ang nagwaging pinakamagaling na aktor sa Harlem International Film Festival sa New York, at cited din siya sa pagka-best actor sa dalawang international film festivals sa India.

Bukod sa kanyang mga co-stars sa movie at sa buong production, pati na sa kanyang pamilya at fans, inialay din niya kay Rabiya ang mga natanggap na awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siya ang dahilan kung bakit inspired ako ngayon,” pahayag ni Jeric.

Rabiya Mateo malalim ang hugot; may konek kaya sa relasyon nila ni Jeric Gonzales?

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending