Rabiya nawalan ng P1-M sa scam; 'Julie X Stell' magpapasabog na

Rabiya nawalan ng P1-M sa investment scam; ‘Julie X Stell’ magpapasabog

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 01:00 AM

Rabiya nawalan ng P1-M sa investment scam; 'Julie X Stell' magpapasabog

Rabiya Mateo, SB19 Stell at Julie Anne San Jose

INGAT na ingat na ngayon ang Kapuso actress-TV host na si Rabiya Mateo sa paghawak sa kanyang finances lalo na sa pagpasok sa negosyo.

E, kasi nga, naloko at nagoyo na siya ng kanyang business partner na isang investment scam pala at aabot daw sa P1 million ang nawala sa kanya.

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa tumawag sa kanya ng ‘panget’: Hindi naman ako nasaktan

Ayon sa dating beauty queen, base sa ulat ng “Balitanghali” sa GTV, nine months na ang itinatakbo ng kanilang partnership bago niya nadiskubre ang ginagawang panloloko sa kanya ng business partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philip Viktor (@philip.viktor)


Grabe raw ang sakit at stress na naranasan niya nang malamang napunta lang sa wala ang perang pinaghirapan niya. Hindi naman nabanggit ng aktres kung nabawi pa niya ang kanyang pera o kung nagsampa siya ng demanda.

Ang nasabi lang ni Rabiya ay isang napakalaking lesson para sa kanya ang nangyari kaya naman mas naging maingat na siya sa pagpasok sa negosyo para hindi na ma-scam uli.

Samantala, mapapanood na uli very soon si Rabiya sa upcoming primetime series na “Pulang Araw” na pinagbibidahan nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco at Dennis Trillo.

* * *

Answered prayers, sabi nga ng mga fans, dahil sa unang pagkakataon, magsasama sa isang concert stage sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Stell ng SB19 para sa “Julie X Stell: Ang Ating Tinig” concert.

Baka Bet Mo: Sarah may moments na ingat na ingat kapag nasa labas ng bahay: ‘Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako…’

Gaganapin ito sa July 27 at 28, 8 p.m. sa New Frontier Theater.

Sey ng kanilang supporters, can’t wait na sila sa big event na ito dahil paniguradong maraming sorpresa at pasabog ang inihanda para sa first-ever concert nina Julie at Stell na produced ng GMA Synergy, GMA Entertainment, at 1Z Entertainment.

Bukod sa pangmalakasang performances, excited na silang ma-entertain muli sa kulitan at playful banters ng dalawa na talaga namang kinagiliwan nila simula pa “The Voice Generations.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


“OMG I’ve been waiting for this. Fast forward to July 27-28 please,” komento ng isang netizen.

Sey naman ng isang fan, “Mahal ko kayong dalawa. At mamahalin at mamahalin pa.”

“Hindi ko ito palalagpasin! Na-miss ko na ‘yung kakulitan ninyo sa The Voice. Good luck Coach Julie at Coach Stell!” comment ng isa pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ready na ba kayo sa soundtrip courtesy of Julie and Stell? Available ang tickets ng “JulieXStell: Ang Ating Tinig” sa mga TicketNet outlets nationwide o through ticketnet.com.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending