DJ Loonyo ingat na ingat na sa socmed: ‘Yung nakita ng tao dati is careless, irresponsible na Loonyo…
HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring nakakatanggap ng hate message sa social media si DJ Loonyo mula sa mga trolls at “golden bashers.”
Kung noon ay talagang naaapektuhan nang bonggang-bongga ang dancer at socmed influencer, ngayon ay natutunan na rin ng binata ang tinatawag na “art of dedma”.
Ayon kay DJ Loonyo, meron na raw siyang effective na paraan para hindi na masyadong maapektuhan ng mga pangnenega sa kanya ng mga walang kuwentang bashers.
“Well, nandiyan na ‘yan, kumbaga hindi mo talaga mapi-please ang mga tao. Mayroon at mayroong masasabi talaga.
“So, instead of focusing sa mga basher, mas mag focus ka sa mga familoonyo na andirito ngayon at totoong nagmamahal sa ’yo. Ang basher kasi mayroong totoo, mayroong trip lang, kaya pag inisip mo ‘yun, talo ka talaga,” paliwanag ni DJ Loonyo.
Marami na ring kinasangkutang kontrobersya ang singer-dancer lalo na noong nagsisimula pa lamang siya, kabilang na riyan ang viral comment niya tungkol sa issue ng mass testing noong kagsagsagan ng COVID-19 pandemic.
“Dati, apektado ako noon, kasi baguhan lang naman ako sa entertainment industry. But right now, kaya nga nakita niyo naman lahat ng nandito sa Loonyoverse, pamilya ko lahat ‘yan at sila ang poprotekta sa akin ‘yun ang parang sasalo sa problems ko.
“Kasi normal lang tatamaan at tatamaan ka sa bash hindi ka bato e’. Pero sila ang mag-remind sa’yo ‘yung presence na yun reminder na marami pa rin nagmamahal sa ’yo,” paliwanag ng binata.
Mas maingat na raw siya ngayon pagdating sa paggamit ng social media, “Kasi normal na tao lang naman talaga ako dati. Hindi naman sa normal, parang hindi lang talaga ako papansinin na si Loonyo ka lang, ‘yung choreographer lang.
View this post on Instagram
“And nu’ng nangyari ‘yung Loonyo, nandoon pa ako sa Loonyo dati, so ‘yung nakita ng tao is careless, ‘yung irresponsible na Loonyo, in terms of kung paano sinasabi ang mga opinyon.
“And right after those things na nangyari sa akin, I’m really grateful kasi alam ko na kung paano pumektos ng kaunti, hinay-hinay lang, and ‘yung importante is in control na hindi ‘yung parang blah-blah-blah. So ‘yun ang parang na-humble ako sa mga sitwasyon na ‘yon and right now, mas kontrolado na ako,” paliwanag pa niya.
Samantala, handang-handa na si DJ Loonyo sa kanyang first ever major concert sa darating na December 8 sa Matrix Creation Events Venue.
“Sobrang excited ako at sobrang hype na hype kasi ‘yun nga, galing sa puso ito, ang daming sacrifces ang nangyari, ang daming challenges.
“Pero at the end of the day, sabi ko nga sa mga kasama ko, gusto natin ‘tong gawin kaya ‘yung mga challenges na pinagdaraanan natin ngayon, normal lang yan. Pero ‘yung i-expect nila on December 8, is really really something remarkable and extraordinary,” ani DJ Loonyo.
“Sobrang hands-on to the point na pati choreography, ‘yung flow ng event, ‘yung buong repertoire talagang galing sa akin. Kasi, as a DJ rin, mas gusto koi ‘yung preference ko kung paano itatakbo ‘yung music ng sunod-sunod.
“Actually blessing talaga ‘to e, pinapangarap naman natin siya pero hindi natin inaakala na matutupad talaga. Nandiyan ang Diyos, nanunuod, nakikinig.
“Kaya ang kailangan mo lang talaga gawin ay ituloy-tuloy at maging malinis lang ang intention mo, wala kang inaapakang tao kasi I believe nanunuood si God,” sabi ni DJ Loonyo.
DJ Loonyo nakabili na ng sariling bahay para sa pamilya; may negosyo pa para sa ina
DJ Loonyo ‘binalaan’ si Janine Berdin: Sige po ma’am ikaw na tama…ingat tayo Ma’am, baka mag-boomerang yan sa ‘yo
Piolo ingat na ingat sa shower scene nila ni Lovi sa ‘Flower Of Evil’: Nag-enjoy ako! Bitin nga, eh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.