DJ Loonyo 'binalaan' si Janine Berdin: Sige po ma’am ikaw na tama...ingat tayo Ma’am, baka mag-boomerang yan sa 'yo | Bandera

DJ Loonyo ‘binalaan’ si Janine Berdin: Sige po ma’am ikaw na tama…ingat tayo Ma’am, baka mag-boomerang yan sa ‘yo

Ervin Santiago |July 14,2022
facebook
share this

DJ Loonyo ‘binalaan’ si Janine Berdin: Sige po ma’am ikaw na tama…ingat tayo Ma’am, baka mag-boomerang yan sa ‘yo

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 04:24 PM

Janine Berdin at DJ Loonyo

RESBAK kung resbak ang drama ng Kapamilya singer na si Janine Berdin sa viral bardagulan moment nila ni DJ Loonyo.

Kasalukuyang nasa top trending topic ngayon sa Twitter ang bangayang DJ Loonyo versus Janine Berdin at mas lalo pang umiinit ang issue dahil sa patuloy nilang patutsadahan.

Sa halip na manahimik, sinagot uli ni Janine ang huling post ni DJ Loonyo at nanindigan na wala siyang intensyong manakit o maka-offend ng kapwa. Pure fun lang daw ang ginawa niya.

Nagsimula lang ang lahat nang gawing cover photo ni Janine ang isang meme kung saan nakasulat ang “petisyon” ng pagpapalit sa pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing DJ Loonyo International Airport.

Na-offend dito nang bonggang-bongga ang DJ-dancer at Tiktoker kaya binanatan nito ang “Tawag Ng Tanghalan Season 2″ grand winner.

“Ma’am sorry. May natitira pa ba kayong respeto? May nagawa ba ako sa’yong mali?” hirit DJ Loonyo kay Janine.

Sagot naman ng singer, “Hala Kuya, It’s just a meme that I found super funny. I found it online. I didn’t really mean any harm.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin)


“Ano po kaya context ng meme? I just thought it meant to change the name of the airport to you,” she said. Like poking fun. Super random.

“Really didn’t mean any harm. I don’t think people found it degrading to you as well po! But if you want I could always take it down Kuya!”

“Nakakatakot ‘yung utak ng mga gantong tao. Pag kayo ginanyan ISSUE, HEADLINE AND BASH AGAD. Katuwaan? Tapos binabash and pinagttripan ‘yung taong involved?

“@janineberdin. Ur better than that for sure. God bless your soul. Weird sh*t,” pahayag pa ni DJ Loonyo.

Dagdag pa niyang banat kay Janine, “Kung wala kayong magawa, pagtripan niyo sarili niyo wag ibang tao. Maging sensitive tayo minsan, di natin alam pinagdadaanan ng isa’t isa satin. Ini-expect ko ‘yung mga matagal na or kahit papano nauna sa industriya ay kahit papano alam ang ‘RESPETO NA LANG SANA.”

Sa isa pa niyang tweet, nasabi rin niya na, “Pero para katuwaan sigeeee, Go lang, kahit iba na yung napuntahan ng KATUWAAN.  Weird shit!!! PANGALAN MO SAYO YUNG AIRPORT, Baka ikaw yung may gusto hindi ako.”

Hindi naman nagustuhan ng dalaga na ibinandera pa ni DJ Loonyo ang palitan nila ng private message, “Oh kuya, if you really wanna talk about it publicly .. I really wanna know how you understand the meme.

“I just thought it was a petition to just literally change the airport name to you. It’s satire. It’s poking fun. It’s random. No one would actually take it seriously.

“People use my name to poke fun all the time as well. Hell people talk sh*t and laugh at me as well. I’m not saying that’s what the meme was doing kasi it wasn’t meant to be degrading at all. But yeah, it’s what comes along when you’re a public figure. No big. Smile po kayo!” sabi pa ng dalaga.

Nang mabasa ito ng DJ at dancer muli niyang sinagot si Janine, “Sige po ma’am ikaw na tama, kahit pinagtatawanan, binabash, at nilalait na sa comment, KATUWAAN PARIN, grabe yung mindset.

“Ingat tayo ma’am, baka mag-boomerang yan sayo, Pinagdaanan ko na yan, nadapa, natuto at gino-goal mas maging better. Sana ganun din sayo, hindi yung pag walang magawa, ay mantotrip ng iba,” dagdag pa niya.

Marami ang kumampi kay DJ Loonyo na nagsabing isang uri ng pambu-bully ang ginawa ni Janine at sa halip na sumagot at magtaray ay mag-sorry na lamang daw ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinukso naman ng ilang bashers na “pikon” ay “iyakin” daw pala si DJ Loonyo at walang sense of humor. Kayo ba dear BANDERA readers, sino ba ang tama at mali sa eksenang ito?

DJ Loonyo na-hurt sa ‘joke, joke, joke” ni Janine Berdin: May natitira pa po ba kayong respeto? May nagawa ba ‘ko sa ‘yong mali?

JK Labajo puring-puri si Janine Berdin: Her voice is just unique, she’s really kind, humble

Pagtawag ni DJ Loonyo kay Hidilyn Diaz ng ‘toxic Filipino’ fake news: Hay naku, sino ba talaga ang bobo!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending