Sarah may moments na ingat na ingat kapag nasa labas ng bahay: 'Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako...' | Bandera

Sarah may moments na ingat na ingat kapag nasa labas ng bahay: ‘Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako…’

Ervin Santiago |July 06,2023
facebook
share this

Sarah may moments na ingat na ingat kapag nasa labas ng bahay: ‘Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako…’

Ervin Santiago - July 06, 2023 - 05:54 PM

Sarah may moments na ingat na ingat kapag nasa labas ng bahay: 'Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako...'

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

AMINADO ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na may mga pagkakataong nangangamba siya bilang isang celebrity kapag nasa public places.

Hindi naman daw sa nawawalan o nababawasan ang level ng kanyang confidence, ayaw niya lang daw talagang nagkakamali lalo na sa harap ng maraming tao.

Meron siyang fear factor na baka mahusgahan agad ng mga tao kahit sa isang maliit na sablay o maling desisyon na magagawa niya.

“Mahirap pong magkamali kapag nasa public eye. Paano kung makita nila ‘yung mali ko, baka layuan na nila ako,” ang rebelasyon ng award-winning singer-actress sa nakaraang mediacon para sa bago niyang endorsement, ang Sunlife Philippines.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)


Isa pa sa mga kinatatakutang usapan ng wifey ng Kapuso TV host-actor na si Matteo Guidicelli ay ang anumang may kinalaman sa pera.

“Ninenerbyos po talaga ako kapag dating sa usaping pera,” pag-amin ng Kapamilya star at Viva Artist Agency talent.

Si Matteo raw ang isa sa mga taong nagmulat sa kanya tungkol sa mga isyu ng pera pati na ng pagnenegosyo at investments.

Nagpakasal sina Sarah at Matteo bago mag-pandemic noong March, 2020 kaya naman talagang napasabak din sa matitinding challenge ang noo’y bagong kasal.

Pag-alala ni Matteo, “We stayed in a condominium for six months, kaming dalawa lang at ‘yung isang aso namin. It was actually a challenge, but I loved the challenge. I had a great time.”

“Maraming learnings and discoveries,” dagdag ni Sarah.

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud

I’m fairness, napakaraming natutunan ng celebrity couple noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Isa na riyan ang pagiging mas wais at responsible sa bawat desisyon nila sa buhay.

“That was the first day na adulting na kami. Ito na yun. This is our life together. Let’s start it off properly.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Feb 21, 2020 was our first log of our first expense. From that day until today, all our expenses are there,” kuwento pa ni Matteo.

Tungkol naman sa paghawak ng kanilang kinikita bilang couple and as individuals, medyo natuto na rin ang mag-asawa sa tama at praktikal na pagba-budget. Talaga raw regular nilang pinag-uusapan ang

“Sarah and I always talk about how to do this and that, how to budget,” sey ni Matteo.

Naniniwala naman si Sarah na dapat talagang paghandaan ng mga magulang ang pagkakaroon ng anak, “Napakaimportante nu’n. I think, kapag nagkaanak tayo (sabi niya kay Matteo), ‘yun ang kailangan para equipped ang anak natin for the future.

“No matter how small the amount is, you can start investing,” sabi ni Sarah.

Paalala pa ng Popstar Royalty, “We need to be surrounded by people who are trustworthy. Yung hindi ka matatakot to be yourself. ‘Yung hindi ka mag-aalangan. It’s important to be with people who will ground you, who will be honest with you.

“Importante na makakita ng mga tao who are after your well-being, hindi lang physically, but mentally and emotionally. Kapag nakita mo ‘yung mga taong ‘yun who will love you for who you are, for keeps ‘yun,” pahayag pa ni Sarah G.

Sarah Geronimo bagong version ng sarili ang ipapakita sa madlang pipol: Mas tao na hindi natatakot na…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne San Jose hinamong makipag-showdown kay Sarah Geronimo: Hindi po ako lalaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending