Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud
FROM “Coach Sarah” sa reality singing competition na “The Voice”, isa na ngayong ganap na “Chef Sarah” ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo matapos itong magtapos sa culinary school nitong Huwebes, June 2.
Sa ibinahaging Instagram post ng kanyang asawang si Matteo Gudicelli ay proud na proud nitong ibinandera ang bagong achievement ng singer-actress.
“Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS! Yesssss ‘chef sarah’ it is!!” pagbati ni Matteo kalakip ang larawan nilang mag-asawa habang pine-flex ang diploma ng Popstar Royalty mula sa Henry Sison Culinary School.
Kasama rin nila sa picture ang kapatid ni Matteo na si Paolo at ilan pang mga nakasama ni Sarah sa culinary school.
Dagdag pa nito, “We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you!” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Matatandaang noong nagsimulang ang COVID-19 pandemic nitong 2020 ay marami sa atin ang sumubok ng iba’t ibang gawain para malibang habag nananatili sa loob ng ating tahanan at isa na nga si Sarah sa mga taong talagang kinarir ang pagbe-bake.
Sa katunayan ay si Matteo ang madalas na makatikim ng mga ginagawang desserts ng mangangawit na lagi rin niyang ibinabahagi sa kanyang Instagram account.
View this post on Instagram
Bumuhos naman ang mga congratulatory messages ng mga netizens at ceebrities sa bagong achievement ni Sarah.
“Yey I hope that means that I can buy your delicious cupcakes again,” saad ni Dra. Vicki Belo.
Comment naman ng broadcaster na si Karen Davila, “Wooooow congrats @justsarahgph.”
“Awwwww this makes me happy,” sey naman ni Samantha Valenciano.
Related Chika:
Pandemic hugot ni Sarah, kalimutan na ang galit: Choose peace and freedom over hate
Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!
Sarah hahataw sa GMA 7 pero Kapamilya pa rin; 3 Thai idol pampa-good vibes sa ‘Kilig-Saya Express’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.