Julie Anne San Jose hinamong makipag-showdown kay Sarah Geronimo: Hindi po ako lalaban
PINATUNAYAN ng Kapuso singer at actress na si Julie Anne San Jose na malaki ang respeto niya sa Popstar royalty na si Sarah Geronimo.
Natanong kasi ang dalaga nang mag-guest ito sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkules, May 24 kung handa ba siyang magkaroon ng back-to-back concert kasama si Sarah.
“Si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang pambato ng Kapuso pagdating sa concert performance. Curious kami kung handa ba siyang mag-perform kasama si Popstar Royalty Sarah Geronimo? Lalaban kaya siya sa isang back to back concert with Sarah G?” pagbabasa ni Boy sa tanong ng isang netizen sa dalaga.
Sagot ng Kapuso singer, “Unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo. There can only be one Sarah Geronimo.”
“It would be an honor, of course, na maka-duet po si Miss Sarah. Because I really look up to her,” dagdag pa ni Julie Anne.
Pag-amin ng dalaga, hindi pa sila nabibigyan ng oagkakataon na magkatrababo o magka-collab ng Popstar royalty kaya kung may darating mang project na pagsasamahan nila ay talagang paghahandaan niya ito.
Baka Bet Mo: Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’
Mukhang hindi naman komportable ang dalaga sa ginamit na salitang “lalaban” dahil isa si Sarah sa mga talagang tinitingal niya sa industriya.
Lahad ni Julie Anne, “More on like maghahanda, yes po, of course. Definitely. Of course.
“Kasi nga po she’s one of the people that I really look up to and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music.”
Nagkuwento rin si Julie Anne na minsan niyang napanood ang “Tala” singer sa kanilang church sa Quezon City.
“Actually, share ko lang, naging choir po ako sa isang church po namin sa may Mindanao Avenue, and then malapit po si Miss Sarah doon.
“”Tapos nakita ko po siya sa church nag-perform siya kasi Christmas noon so, like, wala lang, fangirling. Nag-fangirl talaga ako,” chika ni Julie Anne.
Sey naman niya sa posibilidad na magkatrabaho sila, “It would be such an honor. I love her.”
Related Chika:
Julie Anne sa nagsabing ‘mas magaling’ siya kay Judy Ann: Marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.