Yexel Sebastian, Mikee Agustin trending dahil sa umano’y P200-M investment scam, lumipad papuntang Japan
KASALUKUYANG nasasangkot sa kontrobersiya ang toy collector at dating dancer na si Yexel Sebastian dahil sa diumano’y investment scam nito na umabot ng P200 million.
Isang investor na nagngangalang Amal Rosaroso ang lumapit sa programa ni Sen. Raffy Tulfo upang humingi ng tulong ukol sa perang na-scam sa kanya ng mag-partner.
Kwento ni Amal, isang milyon raw ang minimum amount sa investment na sinasabi ni Yexel ngunit dalawang milyon ang kanyang ibinigay sa pag-aakalang kikita at maibabalik ang pera sa kanya.
“Sabi nila, one million [pesos] yung minimum para makapag-invest dahil may five percent na interes.
“In-ask ko po sila kung may contract. Sabi nila, meron naman po,” pagbabahagi ni Amal.
Baka Bet Mo: Yexel Sebastian durog na durog sa netizens matapos humingi ng tulong: Nasaan ang utak at hiya mo?
Pagpapatuloy niya, “Nag-send po ako ng pera through bank ni Miss Mikee. Late na po nila ipinadala yung kontrata, contract of loan po. Ang sabi niya, may kontrata po, pero hindi nila sinabi na contract of loan. Ang ibinigay po nila, naka-notarized na yung papel.”
Dito ay tinanong niya raw ang partner ni Yexel kung bakit contract of loan ang kanyang natanggap. Sinabi raw nito na pare-parehas lang sila ng natanggap at iisa lang daw ang investment at contract of loan.
“Kami pong mga first timer na nag-invest, akala po namin ganoon. Yun ang mali namin. Dapat pala, nagtanong muna kami pero kasi naniwala kami.”
Tinawagan naman ni Sen. Raffy si Yexel at sinabi nitong investor lang rin sila ng partner na si Mikee.
“In-explain ko naman po sa kanila na ako rin po talaga, kami ni Mikee, investor din po kami talaga.
“Kumbaga, nagandahan din po kami sa platform kaya po nag-post kami sa social media namin na kung sino ang mag-invest din, mag-invest din po sila,” saad ni Yexel.
Dugtong pa niya, “Ito po kasing investment na to ipinasok sa casino junket [operations]. In-explain ko po sa mga tao na hindi po ako ang may-ari nito. Yan po ay pag-aari ni Hector Pantollana. Siya po yung signatory. HP Horizon po yung junket [name] niya before.”
Giit pa ni Yexel, nagpa-picture lang raw sila sa napakaraming pera pero hindi naman daw nila ito pagmamay-ari.
Agad naman itong kinontra ni Amal at sinabing pinagtataguan na raw sila ng mag-partner at hindi na sinasagot ang kanilang mga tawag.
Bukod pa rito ay naka-block na rin sila sa social media accounts nina Yexel at Mikee.
Sinabi rin nitong hindi nila kilala ang sinasabing hindi nila kilala ang Hector Pantollana na sinasabi ng toy collector.
Samantala, kinumpirma naman ng Bureau of Immigration na nakaalis na ng bansa sina Yexel at Mikee papuntang Japan kahapon, October 9.
Ayon pa sa ahensya, malayang nakalabas ng Pilipinas ang mag-partner dahil wala pa namang kasong isinasampa laban sa kanila sa kabila ng kasalukuyang kinasasangkutang isyu ng pang-i-scam.
Related Chika:
Kalat na: Pamilya ni Jam naniningil daw ng P15,000 kada interview
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.