Yexel Sebastian durog na durog sa netizens matapos humingi ng tulong: Nasaan ang utak at hiya mo?
Yexel Sebastian
BINATIKOS nang todo si Yexel Sebastian (kapatid ng namayapang si Jam Sebastian ng JaMich) matapos mag-post sa kanyang Facebook account ng tungkol sa ipinagagawa niyang “temporary house.”
Hindi kasi nagustuhan ng mga netizens ang style ng dating member ng Streetboys, vlogger at kilalang toy collector ng paghingi niya ng tulong para matapos ang kanyang “project.”
Naghahanap ngayon si Yexel (partner ng dating Girltrend dancer na si Mikee Agustin) ng contractors, engineers at architect na gagawa ng flooring at roof sa kanyang temporary house na gawa sa container van.
Pero ex-deal ang gusto ni Yexel dahil ipo-promote raw niya ito sa kanyang YouTube channel na may 787,000 subscribers.
Ipinakita pa niya sa vlog niya noong Agosto 5 ang nabili niyang lupa na isang ektarya o 10,000 square meters sa Bulacan at plano niyang patayuan ito ng museum, basketball court, warehouse para gawaan ng mga laruan (pangnegosyo) at ng kanyang dream house.
At dahil wala nga raw siyang budget pa para sa bahay ay pansamantala siyang nagpatayo ng container van para sa kanilang tatlo ni Mikee kasama ang anak.
Nitong Agosto 9 ay nag-post si Yexel sa FB ng, “Ask lang baka po meron kayo kilala contractor o pwede po makagawa nu’n nasa picture flooring and roof. Baka po puwede tayo collab and ex-deal. Gawan po namin video and promote. Location po Bulacan.”
May mga pumuna sa post na ito ni Yexel kaya’t nagpaliwanag siya agad, “Good PM. Ang post po ay hindi Ibaba ang Tingin sa mga Contractors Engineers Architects, Etc.
“Ganon din sa mga Artist Vloggers o influencers. Lahat po tayo may VALUE. Ako po ay humihingi ng tulong kapalit ay serbisyo ko.
“Ang Ex-deal po sa Google no money involved. Pero sa iba po yan ay Discount or any Anything in exchange na parehas magbe-benifit both sides mapag-uusapan. Hindi po pagsasamantalaha o lalamangan. Ang iba ngayon lang narinig yan pero naki Hate nalang at minasama.
“Gaya po ninyo kami po ay gumagawa ng paraan sa buhay. Tayo po ay tumatawad Nakikiusap at naghahanap ng magandang deal.
“Ang post ay binura ko para hindi na mamis-interpret. Pero ayun na nga pinost naman sa iba kaya initial reaction Magalit sila at sabayan naman ng mg taong hindi naman ako kilala mamaraan sa buhay.
“Maraming salamat pasintabi po sa mga naka isip na mababa ang tingin natin sa inyong propesyon.
“Hindi po ganon ang intensyon at layunin. (Existing napo ang pundasyon at Pre Fab Haws nakatayo napo yan. Small project nalang po ang 2nd floor at bubong).”
Nag-react ang engineer na si Aleis Tamargo na konektado sa construction industry. Nire-post niya ang pahayag ni Yexel, “This is what you call a proposal??? It’s just a letter…..
“YOU HAVE A WIDE COLLECTION OF EXPENSIVE TOYS PERO xDEAL ANG BAYAD MO SA CONTRACTOR? Yuck!
“May pambili ka ng laruan pero investment sa house wala? Awts. Hindi play dollhouse ang tinatayo mo ha?
“Gusto mo ng sponsored materials from the Contractors, Engineers & Architects at libreng pagpapagawa?? Okay ka lang Yexel Sebastian?? Magpapagawa ka ng roof and flooring ng house construction mo tapos kapalit simple collaboration??
“Kumikita ka tapos ibabayad mo sa magtatrabaho sa’yo promotional video?? Konting kahihiyan naman sa amin na nasa construction industry!
“Aanhin namin ‘yung collaboration sa Youtube, Facebook, Instagram mo? Ang daming naghihirap sa gitna ng Covid pandemic tapos ang habol mo free deal? For what? For the views??
“Alam mo ba na nagmahal ang mga materials ngayong tapos free work gusto mo?? Napakahusay mo naman pala!! Kailan pa naging bayad ang shout out, ha? Hindi nakakain ang shout out mo boy!
“Libre na trabaho sa ’yo, vivideohan mo, tapos ikaw pa kikita in short pagkakakitahan mo pa ‘yung gagawa tapos libre pa gagawin sa’yo. Anong pag-iisip yan? Nasaan ang utak at hiya mo?
“Years of blood, sweat and tears ang ibinuhos ng nasa construction industry hindi para makakuha ng viewers. You probably don’t understand how the construction business works. Kung ganon lang din pala edi sana nag-artista na lang kami diba? LOL!
“Ipinaglalaban mo pa eh. Hahaha! Sino ba yang mga 9.1 followers na sinasabi ng representative mo para maging connected sa mga magpapagawa ng house? So paanong magiging beneficial sa company ang Xdeal mo kung ang audience mo naman ay hindi interested sa construction? Ano ka Yexel, Google Ad?
“IS THIS HOW SO CALLED INFLUENCERS USE THEIR INFLUENCE? BE ACTING LIKE DAMN CELEBRITIES?
“To teach their supporters a.k.a followers, how Engineers and Contractors can be paid through promotion and video? You are meant to use your platform for certain niches you are familiar with. NOT USE IT TO PILLAGE ON OTHER TRADES, JUST SO YOU COULD GET ITEMS FOR FREE!
“PS. As an Engineer and has friends that are Independent Contractors, we don’t need the influence, we need money. If middle class citizens can allocate their funds for the house they’re planning, why can’t you Yexel? We’re sure you earn way beyond the normal income.”
Nag-post pa si Aleis ng larawan ng construction workers na ang caption, “I’ve said this before and I’ll say it again.
“BIG RESPECT TO ALL CONSTRUCTION WORKERS. Not because I am an engineer pero nakatayo lang ako nagbabantay sa ilalim ng tirik na araw and hindi din ako nagbubuhat ng mga mabibigat bakal nun tapos pagod na ako… how much more sila?”
Bukasang BANDERA sa panig ni Yexel Sebastian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.