Jak Roberto sinimulan na ang pagpapatayo ng bagong bahay

Jak Roberto sinimulan na ang pagpapatayo ng bagong bahay: ‘Masayang-masaya ako, iba ‘yung pakiramdam!’

Pauline del Rosario |September 03,2023
facebook
share this

Jak Roberto sinimulan na ang pagpapatayo ng bagong bahay: ‘Masayang-masaya ako, iba ‘yung pakiramdam!’

Pauline del Rosario - September 03, 2023 - 03:10 PM

Jak Roberto sinimulan na ang pagpapatayo ng bagong bahay: ‘Masayang-masaya ako, iba ‘yung pakiramdam!’

PHOTO: Screengrab YouTube/Jak Roberto

COUPLE goals ang naging peg ng celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Pareho na kasi silang magkakaroon ng bagong titirhan!

Habang malapit nang matapos ang dream house ni Barbie ay nagpatayo na rin ng bagong bahay si Jak.

Ibinandera pa nga mismo ng aktor ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng kanyang three-story home.

“Finally, it’s happening!” wika niya sa kanyang Instagram post.

Sey pa niya, “Iba pala talaga ang feelings pag sa groundbreaking!”

Baka Bet Mo: Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Maliban sa IG ay nag-post din siya ng documentation video ng nasabing event sa YouTube.

Mapapanood pa nga na present sa seremonya ang kanyang girlfriend na aktres na si Barbie Forteza.

“Sabi ko nga, bubunuin natin ito. Gagawin natin lahat para matapos nang maganda, matibay at maayos itong bahay na ito,” saad niya sa ibinanderang vlog.

Dagdag pa niya, “Masayang-masaya lang ako. Iba ‘yung pakiramdam e. Let’s toast to that.”

Maraming fans ang napa-comments sa bagong milestone ng aktor at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Congratulations po Kuya Jak! Natupad mo ang plano mo sa pinapatayo mong bahay. Salamat sa mga Engineer, Architect at Contractors na tumulong sa preparasyon sa planong pagpatayo ng building at maayos na mga materyales. Keep Safe and Be Grateful. God Bless [folded hands emoji].”

“Congratulations Jak, all is possible with hard work, positive attitude and planning. You’re one of a kind guy.”

“Congrats idol Jak Roberto! Masaya kaming mga fans niyo ni Barbie na unti-unti niyo nang natutupad ang mga pangarap niyo. Malayo pa ang mararating mo. Still humble idol, keep safe always [smiling face with heart-eyes emojis]”

Kung maaalala, noong Nobyembre ng nakaraang taon nang sinimulang ipatayo ni Barbie ang kanyang dream house.

Ibinandera ‘yan ng Kapuso Primetime Drama Princess sa social media at makikita sa pictures na kasama niya ang kanyang pamilya nang isinagawa ang groundbreaking ceremony nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending