Jak Roberto, Barbie Forteza walang pakialamanan sa trabaho, nakiusap sa mga bashers: 'May comments kasi na parang pinepersonal na' | Bandera

Jak Roberto, Barbie Forteza walang pakialamanan sa trabaho, nakiusap sa mga bashers: ‘May comments kasi na parang pinepersonal na’

Ervin Santiago |August 23,2023
facebook
share this

Jak Roberto, Barbie Forteza walang pakialamanan sa trabaho, nakiusap sa mga bashers: ‘May comments kasi na parang pinepersonal na’

Ervin Santiago - August 23, 2023 - 06:52 AM

Jak Roberto, Barbie Forteza walang pakialaman sa trabaho, nakiusap sa mga bashers: 'May comments kasi na parang pinepersonal na'

Barbie Forteza at Jak Roberto

WALANG pakialamanan ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto pagdating sa mga diskarte nila sa kani-kanilang showbiz career.

Yan ang mariing sinabi ng hunk actor at tinaguriang Pambansang Abs sa gitna ng mga pangnenega ng mga bashers sa kanya pati na sa tambalan ng girlfriend niyang si Barbie at ni David Licauco.

Ayon kay Jak, nalulungkot siya kapag nakakabasa ng mga negative at hate comments mula sa mga fans na hindi naiintindihan ang trabaho nilang mga artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami raw kasi ang mga namemersonal na at kung anu-anong masasakit at malilisyosong salita na ang ibinabato sa kanila, partikular na kina Barbie at David na isa sa mga pambentang loveteam ngayon ng GMA 7.

“Nakakalungkot lang po kasi may mga comments na parang pinepersonal na. Minsan nakakapagsabi na ng hindi magandang salita,” ang pahayag ni Jak sa Monday episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”.

“Nalulungkot lang ako sa iba na sana maintindihan nila ‘yung trabaho tsaka sa personal na buhay,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa

Natanong din ni Tito Boy si Jak kung meron ba silang agreement ni Barbie kaugnay ng kanilang trabaho para protektahan ang kanilang relasyon lalo na kapag iba ang katambal nila.

“Wala po talaga kaming pakialaman sa trabaho po. Kumbaga parehas po kaming aktor, pero pagdating sa trabaho, trabaho po. Pagdating sa lovelife, lovelife,” sey ng binata.

Ipinagdiinan din ng aktor na hindi siya kailanman nakaramdam ng selos o insecurity kay David, “Hindi Tito eh, kaya siguro naging professor ako ng anti-silos (anti-selos) class.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang tinutukoy ni Jak ay ang mga nag-viral na “anti-silos” memes sa social media na kuha sa naganap na GMA Gala 2023 kung saan magkakahiwalay silang rumampa sa red carpet nina Barbie, at David.

Samantala, very soon at mapapanood na uli si Jak sa telebisyon sa pamamagitan ng upcoming drama series ng GMA na “The Missing Husband.”

Sina Barbie at David naman ay bibida sa TV remake ng “Maging Sino Ka Man” na pinagbidahan noon nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla.

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending