Jak Roberto umaming napag-uusapan na nila ni Barbie Forteza ang kasal; nagbigay ng ‘anti-selos’ advice sa mga estudyante
NAPAG-UUSAPAN na rin ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza at ng boyfriend niyang si Jak Roberto ang pagpapakasal.
Kuwento ng hunk actor, may mga pagkakataon na napagchichikahan nila ni Barbie ang tungkol sa kanilang future kabilang na ang kanilang wedding pero mukhang matatagalan pa raw bago ito mangyari.
Sa guesting ni Jak kahapon sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay diretsahan na siyang tinanong ng host ng programa na si Boy Abunda about their wedding plans.
View this post on Instagram
Question ni Tito Boy kung may balak na ba ang celebrity couple na iakyat sa next level ang kanilang relasyon, “You’re 29, Barbie is 26. Napapag-usapan na ang kasal?”
Sagot ni Jak, “May mga times na, Tito. Pero siyempre, parang mga biruan pa lang namin.”
Paliwanag ng binata mas gusto muna nila ni Barbie na mag-focus sa kanilang respective career, “Kasi may kanya-kanya pa po kaming priorities. Siya rin, iba ‘yung passion niya sa trabahong ‘to, sa showbiz.
“Grabe, sobrang wild po talaga ng imagination niya na aabutin niya pa ‘yung kay Tita Gloria Romero na career. Ganu’n po ang mindset niya,” pahayag pa ni Jak.
Sa nasabi ring panayam, napag-usapan ang viral at trending “anti-silos” memes ng Kapuso actor.
View this post on Instagram
In fairness, hindi na lang pang-online kundi face-to-face na rin ang kanyang Anti-Silos (Anti-Selos) Class sa mga estudyante ng Jose Rizal University.
Dinala na nga ni “Prof Jak” ang kanyang Anti-Selos dance moves sa stage ng JRU kung saan hiningan din siya ng love advice ng mga estudyante.
“Nagseselos ka, wala kang karapatan? Baka kailangan lang ng label ‘yan?” ang payo ni Jak sa isang estudyante base sa report ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado.
Ang first ever Sparkle Caravan Campus Tour ng Sparkle GMA Artist Center ang tunay na rason ng pagpunta ni Jak sa JRU, ka-partner ang GMA Synergy at NCAA.
Jak Roberto pinanindigan ang pagiging ‘prof’, ilang Kapuso stars nag-enroll sa ‘anti-selos’ program
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.