Jak Roberto pinanindigan ang pagiging 'prof', ilang Kapuso stars nag-enroll sa 'anti-selos' program | Bandera

Jak Roberto pinanindigan ang pagiging ‘prof’, ilang Kapuso stars nag-enroll sa ‘anti-selos’ program

Therese Arceo |August 08,2023
facebook
share this

Jak Roberto pinanindigan ang pagiging ‘prof’, ilang Kapuso stars nag-enroll sa ‘anti-selos’ program

Therese Arceo - August 08, 2023 - 06:30 PM

Jak Roberto pinanindigan ang pagiging 'prof', ilang Kapuso stars nag-enroll sa 'anti-selos' program

ALIW na aliw ang mga netizens sa good vibes na dala ng Kapuso actor na si Jak Roberto matapos nitong karerin ang pagbibigay aral niya sa kursong BS Anti-Silos (selos).

Sa katunayan, trending ngayon ang video ng binata kung saan tinatanong siya ng kapwa Kapuso stars patungkol sa love problem ng mga ito.

“Face-to-face anti-selos class!” caption ni Jak.

Ilan sa kanyang mga “estudyante” ay sina Sanya Lopez, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Kristoffer Martin, Cai Cortez, Sofia Pablo, at iba pa.

Matapos ngang magbigay ng payo o aral ni Jak sa kanyang mga “estudyante” ay sasayaw ito ng sexy dance sa kantang “My All” ni Mariah Carey.

Si Cacai ang unang nagtanong sa binata patungkol sa kanyang dyowa na nagpapaalam na maglaro ng online game.

“Nalaman ko kalaro n’ya ‘yung childhood friend na babae na maganda at sexy. Kausap niya hanggang madaling araw. Anong gagawin ko?” tanong niya kay Jak.

“Baka friendly lang,” sagot nito sabay sayaw ng sexy dance.

Baka Bet Mo: Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Makikitang maging ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza ay nagkomento sa kanyang video.

“Tapos nagrereklamo ka na pagod na pagod kang sumayaw e choice mo naman pala 😂😂😂 @jakroberto,” saad ni Barbie.

Sagot ni Jak, “@barbaraforteza napilitan lang, dami palang students Madam.”

Sa katunayan, nagkalat na rin sa social media ang iba’t ibang memes ng aktor para mag-enroll sa kanyang anti-selos class.

May mga edited brochures pa nga na mag-enroll na sa JRU o Jak Roberto University.

Matatandaang nagsimula ang kalokohan ng netizens ukol sa aktor dahil sa pagiging unbothered nito sa mainit na love team ng girlfriend na si Barbie kay David Licauco.

Kahit kasi may mga ginagawang fan service ang mga ito buhat nang mag-boom ang kanilang pagtatambal sa “Maria Clara at Ibarra” at kahit na maraming mga fans ang nagsasabi na si David at Barbie na lang ay chill lang si Jak sa relasyon nila ni Barbie na siyang hinangaan naman ng netizens dahil hindi man lang ito nagpakita ng selos kay David.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mukhang secured na rin naman to sa relasyon nila ng aktres lalo na’t anim na taon na sila together.

Related Chika:
Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending