Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023 | Bandera

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

Therese Arceo |July 22,2023
facebook
share this

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

Therese Arceo - July 22, 2023 - 11:03 PM

Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023
PINATUNAYAN ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na kering-keri niyang agawin ang atensyon ng madlang pipol kahit na mag-isa lang siyang rumampa sa GMA Gala 2023.

Ngayong gabi ay kasalukuyang ginaganap ang gala na dinaluhan ng mga Kapuso at ilan ring Kapamilya stars.

At as expected ay strong independent pretty girl ang atake ni Barbie at hindi rin naman papahuli sa kapogian ang kanyang dyowang si Jak Roberto at ang ka-love team nitong si David Licauco.

Samantala, nang ma-interview naman ang dalaga sa nagdaang live stream ng pagrampa sa red carpet ng mga Kapuso at Kapamilya stars ay mas nag-focus ang mga nagtatanong sa kanya sa bago nitong proyekto na “Maging Sino Ka Man”.

“Una sa lahat, gusto ko munang bumati. Magandang gabi po sa inyong lahat. Grabe, napakaguguwapo at ang gaganda nating lahat. Ibang iba. I love it,” saad ni Barbie.

Aniya, ang bago niyang proyekto ay ibang iba sa nagdaan nilang proyekto ni David na “Maria Clara at Ibarra”.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza ‘nainggit’ sa Miss Grand Philippines contestants, hinamon si David Licauco: Ako kaya, kelan mo kakantahan?

“Sa Maging Sino Ka Man po, kahit nakakadalawang araw pa lang kami ng pagte-taping medyo iba po talaga siya sa previous project na ginawa namin ni David na Maria Clara at Ibarra. ito medyo mate-test ang aming action skills. Huuuy. Pero ‘yung last taping, dancing skills,” kwelang kuwento ni Barbie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Napag-usapan rin nila kung paano nag-prepare ang dalaga para sa GMA Gala 2023.

“For the gala, actually tayong mga babae, aminin na natin. Huwag na tayong magsikreto. Matagal tayong maghanda para sa mga ganitong klase ng mga events so siyempre meron na tayong treatments done… at siyempre ang damit. Yan talaga ang pinakaimportante,” lahad ni Barbie.

Gawa ni Ehrran Montoya ang suot ni Binibining Klay.

“It is my first time working with her, such a pleasure. Grabe. Ang saya lang dahil kasama ako sa buong collaboration ng paggawa ng damit,” sey pa ni Barbie.

Matatandaang nauna nang naging usap-usapan na solong maglalakad sa red carpet si Barbie nang may magtanong sa kanya sa Twitter kung sino ang kanyang kasamang rarampa.

Sinagot ni Barbie ang tanong sa pamamagitan ng lyrics ng kanta ni Taylor Swift na “Bejeweled”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ivana Alawi hindi raw makalilimutan si Barbie Forteza, bakit kaya?

Barbie Forteza ‘nagulat’, nagpasalamat kay Ivana Alawi matapos sabihang ‘nicest GMA artist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending