Barbie Forteza ‘tumakas’ muna sa showbiz life, nagbakasyon sa Chicago: Felt like I was drowning…
NAGPAHINGA muna sa trabaho ang aktres na si Barbie Forteza at kasalukuyan niyang ine-enjoy ang kanyang bakasyon sa Chicago, Illinois sa United States.
Ayon kay Barbie, ninais niyang magkaroon ng normal at tahimik na buhay ng mahigit dalawang linggo.
“Felt like I was drowning from all the unnecessary noise my world has been giving me,” caption niya sa Instagram post.
Patuloy niya, “So, I decided to come here and I’ve experienced the best 20 days of normal, calm and quiet life.”
Tiniyak naman ni Barbie na pagkatapos ng kanyang bakasyon ay handa na raw ulit siyang sumabak sa kanyang trabaho.
“Now, I can’t wait to go back to my world again. I won’t drown this time. I’m not afraid of the water anymore cause now, I know how to swim,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Kapatid ni Barbie Forteza may pakiusap sa FiLay fans: Pakirespeto lang ang personal love life niya!
View this post on Instagram
Magugunitang noong Oktubre ng nakaraang taon ay naging abala si Barbie dahil sa kasikatan ng pinagbibidahan niyang historical fantasy drama na “Maria Clara at Ibarra” na kung saan ay katamabl niya ang aktor na si David Licauco.
Katatapos lang ng nasabing teleserye, ngunit muli silang binigyan ng proyekto.
Muling bumida ang dalawa sa “Lady and Luke” episode ng award-winning fantasy ng GMA na “Daig Kayo Ng Lola Ko” na nagsimula noong March 12.
Sa naganap na digital mediacon noong March 7, inamin ni David na hindi na siya masyadong nakapagpahinga after ng “Maria Clara at Ibarra” dahil binigyan sila agad ni Barbie ng bagong assignment.
Sey ng Kapuso hunk at tinaguriang Pambansang Ginoo, nakapagpahinga siya nang kaunti pero hindi na siya masyadong hands-on sa kanyang mga naipundar na negosyo.
“To be completely honest I haven’t had the time to visit my restaurants because ‘yung responsibilities ko right now sa showbiz is almost everyday, actually, everyday,” pahayag ng aktor.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.