Ivana Alawi hindi raw makalilimutan si Barbie Forteza, bakit kaya? | Bandera

Ivana Alawi hindi raw makalilimutan si Barbie Forteza, bakit kaya?

Therese Arceo |July 19,2023
facebook
share this

Ivana Alawi hindi raw makalilimutan si Barbie Forteza, bakit kaya?

Therese Arceo - July 19, 2023 - 06:56 PM

Ivana Alawi hindi raw makalilimutan si Barbie Forteza, bakit kaya?
ISA sa mga artistang hindi makakalimutan ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang Kapuso star na si Barbie Forteza.

Sa kanyang latest sit down vlog kung saan nagmu-mukbang sila ng Japanese food kasama ang kanyang ina at dalawang kapatid ay sinasagot naman nila ang ilang mga katanungan sa kanila ng netizens.

Isa sa mga natanong kay Ivana kung sino sa mga artista mula sa Kapuso network ang pinakamabait.

“Si Barbie Forteza. Hindi ko siya malilimutan,” diretsahang sagot ng actress-vlogger.

Pagbabalik tanaw ni Ivana, noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career sa GMA Network ay maraming hindi maganda ang pakikitungo sa kanya.

“Maraming nagmamaldita sa’king nung nag-i-start ako sa GMA as in maraming masusungit. Ayaw tayong bigyan ng pwesto, ayaw kaming bigyan ng pagkain tapos sinusungitan kaming mag-ina.

“Basta marami, and then ang pinaka naging mabait sa akin na hindi ko makakalimutan, hindi ko pa siya nakakausap after pero si Barbie Forteza,” pagbabahagi ni Ivana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang ‘future’ asawa

Kaya naman hindi raw siya nagtataka kung bakit maraming blessings na natatanggap ang Kapuso star dahil sa kabaitan at kabutihan nito.

“Siya ay sobrang bait. Totoo talaga siya. Kaya super blessed niya kasi she really has a good heart,” pagpapaliwanag ni Ivana.

Inamin rin ng Kapamilya star na mayroong na siyang nakaaway na aartista.

“Mayroong umaway sa akin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan,” sey ni Ivana.

Rebelasyon pa niya, may nang-away raw sa kanta sa kanyang recent show na kinabibilangan.

“Meron rin sa recent show namin pero alam mo ‘yun. I will not stoop down to your level. Kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka. Pero hindi ko siya kakausapin. Hindi ko rin paplastikin,” lahad ni Ivana.

Ngayong araw lang nang muling pumirma ng kontrata ang dalaga at nananatili itong Kapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending