Bahay ni Ivana sa LA muntikang ‘kainin’ ng apoy dahil sa ‘wildfire’

Bahay ni Ivana Alawi sa LA muntikang ‘kainin’ ng apoy dahil sa ‘wildfire’

Pauline del Rosario - January 12, 2025 - 05:40 PM

Bahay ni Ivana Alawi sa LA muntikang ‘kainin’ ng apoy dahil sa ‘wildfire’

PHOTO: Facebook/Ivana Alawi

TODO ang pag-aalala ni Ivana Alawi sa kanyang bahay na nasa Los Angeles, California.

Paano ba naman kasi, konti nalang ay halos kainin na ito ng apoy na dulot ng nararanasang “wildfires” sa bahagi ng Amerika.

Sa Facebook, ibinandera ng actress-vlogger ang litrato ng kanyang property at kitang-kita ang malaking apoy na nasa likod at sobrang lapit lang sa kanilang bahay.

Wala nang ibang update si Ivana, pero ang tanging caption lang niya: “Currently outside our home.. Pray for LA [sad face, folded hands emojis].”

Baka Bet Mo: Liza nakaiwas sa matinding ‘wildfires’: I’m not in LA as of the moment

Sa ngayon, libo-libong bahay na ang nasunog dahil sa nakakamatay na “wildfires” sa Southern California region, partikular na sa LA.

Ayon pa nga sa mga ulat, mahigit 180,000 na mga residente na ang lumikas mula sa kanilang tahanan.

Ilan lamang sa mga Hollywood celebrities na apektado ay sina Mandy Moore, Paris Hilton, Mel Gibson, Jamie Lee Curtis, at marami pang iba.

Kahit nga si Inigo Pascual na anak ni Piolo ay naapektuhan sa nangyari pero ang good news ay ligtas siya mula sa sunog at nakapag-evacuate kasama ang pamilya at mga alagang hayop.

Nauna na ring nag-update si Liza Soberano dahil marami na ang nagme-message at nangangamusta sa kanya bilang isa rin siya sa mga naninirahan sa LA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa kanyang social media post, wala siya ngayon sa nasabing lugar kaya maayos ang kanyang kalagayan.

Kasunod niyan ay nagpaabot siya ng dasal para sa kaligtasan ng mga apektado ng wildfires.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending