Liza nakaiwas sa matinding ‘wildfires’: I’m not in LA as of the moment
PARA sa mga nag-aalala sa kalagayan ni Liza Soberano dahil sa matinding “wildfires” sa Los Angeles, huwag na kayong mangamba dahil ligtas ang aktres.
Mismong si Liza ang nag-update sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories kamakailan lang.
Lubos ang pasasalamat ng aktres sa mga nangamusta sa kanya, pero ayon kay Liza ay wala siya ngayon sa LA.
Bukod diyan, nagpaabot din siya ng dasal para sa kaligtasan ng lahat.
Baka Bet Mo: Iñigo Pascual apektado ng LA wildfire, nakapag-evacuate na
“Thank you to everyone who checked in on me. I’m okay,” bungad niya sa post.
Chika niya, “I’m not in LA as of the moment. But my heart goes out to all of my friends in LA. Praying for everyone’s safety,.”
Para sa mga hindi aware, si Liza ay naninirahan sa Los Angeles para sa kanyang Hollywood career.
Magugunita last year lamang nang magkaroon siya ng Hollywood debut kung saan tampok siya sa horror-comedy film na “Lisa Frankenstein” bilang Taffy, ang stepsister ng bida.
Bukod sa ilang events sa Hollywood, abala rin ang aktres sa acting school at ilang auditions sa iba’t-ibang
Last year lang din nang magkaroon ng sariling production company si Liza at ibinunyag na mayroon siyang, “seven projects in development, some of which she will act in, and some of them she will be producing for other artists.”
Kahit busy sa international career, pabalik-balik din siya dito sa Pilipinas dahil sa iba pa niyang proyekto na karamihan ay endorsements.
Samantala, ang lubos na naapektuhan sa LA wildfires ay ang bahay ni Iñigo Pascual at Ivana Alawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.