Liza Soberano kumpirmadong wala na sa Careless Music

Liza Soberano kumpirmadong wala na sa Careless Music

Therese Arceo - September 14, 2024 - 04:05 PM

Liza Soberano kumpirmadong wala na sa Careless Music

KINUMPIRMA ng talent management na Careless Music na wala na sa kanilang pangangalaga ang aktres na si Liza Soberano.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story na ibinahagi nila nitong Sabado, September 14, inilantad na ng Careless Music na wala na silang koneksyon sa aktres.

Ilang araw na rin kasing bulung-bulungan sa social media kung true nga ba na nilisan na ni Liza ang kanyang management.

At ngayon nga ay kumpirmado nang wala na talaga ang dalaga sa kanilang pangangalaga.

“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024,” saad sa official statement ng talent management.

Pagpapatuloy pa nito, “It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors.”

Baka Bet Mo: Liza Soberano napiling ‘judge’ at ‘presenter’ sa Vietnam film festival

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nauna na ring napansin ng mga netizens na hindi na naglalabas ng promotion ni Liza ang Careless Music sa kanilang social media pages simula noong Agosto 2024.

Mas naging mainit pang pinag-usapan ang chika nang mapansing naka-unfollow na ang aktres sa IG ng talent management.

Sa kabila ng pag-unfollow ni Liza at nananatili namang naka-follow ang Careless Music sa dalaga.

Para sa mga hindi aware, pinamumunuan ng singer-actor na si James Reid at ng kanyang ka-partner na si Jeffrey Oh ang Careless Music.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang June 2022 nang pumirma ng kontrata si Liza sa talent management matapos siyang hindi mag-renew ng kontrota sa Star Magic.

Bago ang Careless Music, nasa pangangalaga siya ng talent manager na si Ogie Diaz nang mahigit isang dekada.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Liza hinggil sa kanyang pag-alis sa Careless Music.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending