Liza Soberano napiling ‘judge’ at ‘presenter’ sa Vietnam film festival
PROUD na ibinandera ng aktres na si Liza Soberano ang latest ganap niya sa buhay.
Ito ay matapos siyang rumampa sa red carpet ng kauna-unahang Ho Chi Minh City International Film Festival (HIFF) sa Vietnam.
Isa kasi si Liza sa mga napiling “juror” o hurado kasama ng film producer na si John Badalu, New York Asian Film Festival Executive Director Samuel Jamier, Vietnamese-American film editor Tom Cross, at direktor na si Nguyen Thanh Van.
Bukod diyan, nagsilbi rin siyang award presenter sa awarding ceremony ng film fest kung saan iginawad niya ang “Best Actress” award.
Sa Instagram, ibinandera niya ang ilang naggagandahan niyang pictures sa event na nakasuot ng sleek black long gown, pati na rin ang ilang moments na makikitang nakatayo siya sa stage upang magbigay ng parangal.
Baka Bet Mo: Pia sa galit na galit na mga Vietnamese: I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all!
Ayon sa aktres, lubos niyang ikinararangal ang naging experience sa film festival.
“So thrilled and honored to have served as a jury member for the first ever Ho Chi Minh International Film Festival. Was such an amazing showcase of talented filmmakers from all over the world!!” caption niya sa post.
Mensahe pa niya, “Truly so inspired to continue working in an industry that encourages freedom of expression and challenges the way we think. Congratulations to all winners! [white heart emoji]”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans ang bumilib at humanga sa narating ngayon ni Liza sa kanyang karera.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Well done Liza! Your career is blooming Hollywood star in progress [fire, heart emojis] Congratulations to you. Continue to shine bright ahead [heart emoji] God bless [heart emoji].”
“Face card talaga! Kaka-proud naman siya ,pinaghirapan niya talaga ng malinis na paraan ang narating niya ngayon! [red heart, clapping hands emojis]”
“Grabe ka sis pataubin ang mga basher [laughing emojis]”
“Congratulations, Hopie. You’re manifesting your goals and dreams little by little.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.