Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang 'future' asawa | Bandera

Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang ‘future’ asawa

Therese Arceo |May 03,2023
facebook
share this

Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang ‘future’ asawa

Therese Arceo - May 03, 2023 - 09:01 PM

Ivana Alawi malakas ang loob lumandi sa Europe, nakita na ang 'future' asawa
HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang kanyang kilig matapos maispatan ang kanyang “future” asawa.

Sa latest vlog na ibinahagi ng dalaga kung saan nag-shopping sila sa Europe kasama ang kanyang ina at bunsong kapatid na si Mona.

Sa bandang dulo ng video kung saan ang plano lang sana nila Ivana ay kumuha ng mga larawan bilang memories ng kanilang trip sa Europe ay tila may nakabihag ng atensyon ng dalaga.

“May nakita ako sobrang gwapo. Ay dzaii, mukhang nagtatrabaho sa VCA (Van Cleef & Arpels, isang luxury jewelry brand). Bibili talaga ako sa VCA. Ang gwapo,” todo ngiti at kinikilig pang sabi ng dalaga.

Bigla ngang tinanong si Ivana ng kapatid nitong si Mona kung hinahabol ba nito yung poging lalaki.

“Nakita mo? P**ang**a ang gwapo no!

“Nahanap ko na ‘yung asawa ko. Brad Pitt halika na. Ang gwapo. Sh*t. Gusto kong bumili ng VCA,” sey ni Ivana habang nililingon sa kanyang likuran ang gwapong doorman.

Aniya, mukhang mapapabili siya ng alahas nang wala sa oras upang makalapit sa lalaki

Baka Bet Mo: Ivana Alawi hindi pa ready makipag-date: Natatakot ako sa mga napapanood ko

Suportado naman nina Mona at Mama Alawi ang pagkakaroon ng crush ng dalaga at nauna pa nga ang kanyang ina na lumapit sa luxury store.

“Yung asawa ko nananawagan ako. Pakasal na tayo. Ang gwapi tapos nakatayo lang sa labas. Diyos ko ‘yung mga French dito ang gagwapo,” nakangiting sey ni Ivana.

Tila kinikilig pa nga ito nang sabihin ni Mona na nakatingin ang lalaki sa kanya habang naglalakad siya.

“Gusto mo sumilip na tayo? Bibili na lang ako dyan?” sabi ni Ivana na suportado naman ni Mama Alawi.

Dagdag pa niya, “Ang mahal ng kwintas dyan pero for you, dahil gwapo ka, SOLD.”

Nang makalapit ay tinawag pa nga ni Ivana na “mahal ko” ang lalaki.

Tuluyan na ngang pumasok ang dalaga sa loob ng store para bumili ng kwintas ngunit bukod rito ay matagal na raw niyang gustong bumili ng kwintas mula rito.

“Dahil sa sobrang gwapo ni Kuya, napabili ako ng necklace pero matagal ko nang gusto to… I’m so happy!” paglilinaw ni Ivana.

First time nga rin daw niyang bumili ng mamahaling kwintas sa abroad dahil hindi naman daw siya bumibili ng alahas.

Pabiro pa nga niyang sinisi ang kanilang hired photographer dahil dinala siya sa lugar kung saan nakita niya ang poging lalaki.

Paglabas nga ni Ivana ay prangkahan niyang sinabi sa cutie foreigner na bumili siya ng kwintas dahil sa dito.

“You know I bought this necklace because of you because you’re cute,” sabi ng dalaga.

Nagulat naman ang lalaki at natawa sa ginawa ni Ivana.

“O diba ang kapal ng mukha ko. Pinaglalaban ko ang Pilipinas… nakukyutan lang ako sa kaniya pero hindi ko siya jojowain… aasawahin kasi gusto ko Pinoy.

“Gano’n po ako rito kasi hindi naman nila ako kilala. So malakas ang loob kong lumandi…” proud na sabi ni Ivana.

Related Chika:
Ivana game na game na nagtinda ng street food; mga customer binigyan ng pera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending