Ivana game na game na nagtinda ng street food; mga customer binigyan ng pera
NAKATANGGAP ulit ng mga papuri ang social media influencer at vlogger na si Ivana Alawi matapos magtinda ng street food sa kalsada.
Mapapanood sa kanyang latest YouTube video na naging street food vendor siya ng buong araw at inikot-ikot ang ilang kalsada sa Maynila.
Bukod sa pagtitinda, nilagyan niya ito ng twist upang muling makapagpasaya sa madlang pipol.
Imbes kasi na siya ang kumita sa ginawang negosyo, siya pa ang namigay ng papremyong pera sa mga bumili ng kanyang tinda.
Naghanda siya ng ilang random questions at ang mga makakasagot ay bibigyan ng isanlibong piso.
Bukod pa riyan ang isa pang isanlibong piso para sa mga naka-subscribe sa kanyang YouTube channel.
Baka Bet Mo: ‘BJ’ ni Ivana Alawi bentang-benta sa socmed, hirit ng netizen: ‘Mas masarap ‘tong turon ko bagay sa buko mo’
Sey ni Ivana sa umpisa ng kanyang vlog, “Mamimigay tayo ng pera. Nag-ready ako ng questions. So ano ito, iba-iba. May about sa Pilipinas tapos about me. Basta halo-halo talaga siya.”
“Pag nakasagot sila, meron silang 1,000 pesos,” dagdag ni Ivana.
Ani pa niya, “Kung hindi man sila nakasagot basta naka-subscribe sa aking YouTube na Ivana Alawi, meron silang 1,000 pesos.
“So per person, pwede silang makakuha ng up to 2,000 pesos.”
Bago mag-umpisa ang kanyang gimik, ipinakita niya rin sa video na nag-rent lamang siya ng street food cart na may tindang lumpiang toge, bola bola at kwek kwek.
Halos apat na lugar ang napuntahan ni Ivana base sa kanyang video at marami sa mga naging customer niya ay nabigyan ng pera.
At dahil marami na naman ang napasaya ni Ivana, libo-libong netizens ang humanga sa pagiging down to earth ng vlogger.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“Thank you for being down to earth. Makabuluhan ang bawat vlog mo kasi madami kang natutulungan at napapasaya.. That is the true influencer.”
“You can really feel her genuine heart!!! So humble inside and out, keep it up Ivana. We love you!!!”
“This is the true definition of good influencer. So creative din pag gumagawa ng mga vlogs. Stress reliever ko talaga ang mga vlogs mo ate. More blessings Ate Ivana [red heart emoji].”
Related Chika:
Julia binatikos dahil sa ‘street food’ challenge: Ganda sana kaya lang…
Tusok-tusok challenge ni Heart pak na pak sa socmed; daliri ni Teddy Corpuz na-sprain sa harutan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.