Julia binatikos dahil sa 'street food' challenge: Ganda sana kaya lang... | Bandera

Julia binatikos dahil sa ‘street food’ challenge: Ganda sana kaya lang…

Reggee Bonoan - April 23, 2021 - 06:05 PM

HINDI kasalanan ni Julia Barretto kung hindi man siya natutong kumakain ng street food.

Baka kasi hindi ito inihain sa kanya ng mommy niyang si Marjorie Barretto o hindi ito in-introduce sa kanya lalo’t hindi naman sila lumaking mahirap na magkakapatid.

Kaya foul naman ang mga negatibong komento ng netizens nang sabihin ng dalaga na hindi niya alam ang tawag sa mga kinain niyang uri ng street food sa latest vlog ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Natuwa ang isang netizen na i-repost ang nakatutuwang reaksyon ni Julia nang kainin niya ang isaw na inihain sa kanya ng boyfriend na si Gerald para sa street food challenge na ginawa nila.

Bukod sa isaw,  hinainan din siya ng kanyang dyowa ng kwek kwek, dinuguan, singkamas, papaya, suman, binatog at marami pang iba. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Sabi ni Raia Carandang, “Yung cheater kana tapos tanga rin.”

Say din ni Benedict Marinas, “Maganda nga bobo naman, dun na lng ako sa di kagandahan pero may talino at mabait, bunos nlng yung ganda.”

Ayon kay Paolo James Tabugo, “Nung umulan ng kabobohan sinalo mo lahat.”

Comment ni Beverly Faith Mateo, “Pati yung mangga naging singkamas maintindihan naman kung di alam ang singkamas pero mangga yung sinabi mangga.”

Sabi ni Dang Arbilo, “Ganda sana kaya lang shunga.”

Ito naman ang komento ni Lourdes Louise Cerafica Casinao, “While watching this video. My brain suddenly stopped working so I removed my brain put soil and connected the wires.”

Pero natuwa naman ang iba kay Julia tulad ni Alyssa Gem Borja Bakil na nagsabing, “Ang kyut (crying smile emoji).”

Nagpaliwanag naman si Jay Anne Acuesta, “Magkaiba po yung bobo sa walang alam sa ibang bagay. Actually magkakaiba po tayo ng kinalakihang invironment o nakasanayan hindi mo naman talaga yan masasabi na bobo kase hindi lahat ng alam ng mayaman alam mo rin at di lahat ng alam ng mahirap ay alam ng mayaman.”

Sabi rin ni Monique Panganiban Roblo, “Actually sa mga mayayaman talaga ang isaw kong tawagin sa ating mahihirap at sanay sa mga pagkaing ganyan is GRILLED INTESTINE yan po tawag ng mayayaman jan. ang barbecue sa Kanila na kilala nila is ung laman ng baboy na may unteng taba yan po ung barbeque sa knila .na halos sa ating mahihirap lahat ng part bsta inihaw na parte ng baboy eh barbecue tlga. Natatawa lang ako tlga kay Julia.”

Ang maganda sa aktres dahil sa pagmamahal niya kay Gerald ay sinubukan niyang kainin ang mga ito at nang tanungin siya ng aktor na paano kung ang mga nabanggit na pagkain ay ihahain sa kanya kapag nagkatuluyan sila ay game namang sumagot si Julia ng, “Okay lang” sabay bawi ng, “Kanin na lang.” Na ibig sabihin ay okay sa kanya kahit walang ulam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala kami na kapag mahal mo ang isang tao ay handa kang gawin ang lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending