Ivana Alawi dumulog kay Raffy Tulfo, inireklamo ang business partner: Ang ayoko lang, 'yung may maloloko pa sila | Bandera

Ivana Alawi dumulog kay Raffy Tulfo, inireklamo ang business partner: Ang ayoko lang, ‘yung may maloloko pa sila

Therese Arceo |February 23,2023
facebook
share this

Ivana Alawi dumulog kay Raffy Tulfo, inireklamo ang business partner: Ang ayoko lang, ‘yung may maloloko pa sila

Therese Arceo - February 23, 2023 - 02:27 PM

Ivana Alawi dumulog kay Raffy Tulfo, inireklamo ang business partner: Ang ayoko lang, 'yung may maloloko pa sila
HINDI na nakapagtimpi ang Kapamilya star-vlogger na si Ivana Alawi at tuluyan na itong humingi ng tulong para sa kanyang problema sa mga business partners.

DUMULOG na ang Kapamilya star at vlogger na si Ivana Alawi sa programa ni Raffy Tulfo hinggil sa kanyang reklamo sa naging business partner para sa isang produkto ng kanyang beauty brand.

Sa naging episode ng “Raffy Tulfo In Action” nitong Martes, February 21, ay na-feature ang vlogger at ang hinaing nito patungkol sa diumano’y manufacturer ng kanilang magiging product.

Bukod kay Ivana ay present ring ang dalawa pang nabiktima ng manufacturer na nakilalang sina Ronelle Jay Evangelista at Charles Ariza.

Ayon sa aktres, nag-file na raw sila ng kaso dahil hindi pa rin nito ibinabalik ang perang inilabas nila kahit na hindi nito ma-deliver o ma-fulfill ang kanilang napag-usapan.

“Unang-una, nagpa-formulate kami and hindi nila magawa yung formulation na exclusive sa amin and hindi rin naman pala nila kaya yung mga premium ingredients,” saad ni Ivana.

Pagpapatuloy pa niya, “We asked them last year pa na ibalik na lang yung pera kasi they cannot do what we want, hindi nila maibigay yung magandang formula, hindi rin nila maibigay na exclusive. So sabi ko, ‘We’re not going to work [this] out so sabi ko i-refund na lang and okay na.’ Kasi ako Sir Raffy, ayoko talaga ng mga issue issue o magkaso ng tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Lahad pa ng actress-vlogger, wala naman daw talaga siyang balak magsalita dahil noong mag-file sila ng kaso, nalaman niyang marami na pala itong naloloko.

“I was going to let my lawyers handle everything pero ang nakakaawa po, ‘yung nalungkot ako is marami pala silang niloloko. Parang modus na pala nila ‘yan, to get money from people,” sey ni Ivana.

Aniya, matapos nga raw nilang magsampa ng kaso laban sa dalawa ay may tatlong lumapit sa kanya na naloko rin.

“Tatlo na ‘yung lumapit sa akin at hindi lang thousands, milyon ang halaga ng niloloko niya,” sabi pa ni Ivana.

Pinayuhan pa nga raw nito ang business partner na dapat ay i-refund na lang nila ang pera para matapos na ang usapan ngunit ayaw raw ng business partner at hindi rin daw ito nagbobigay ng rason.

Pag-amin pa ni Ivana, last year pa raw ang isyu sa pagitan nila at may utang ito na P4.8 million.

Dagdag pa niya, “Na-file na po namin ng lawyer ko [yung kaso]. Ang sa akin lang Sir Raffy, ang ayoko lang, ‘yung may maloloko pa sila.”

Related Chika:
‘BJ’ ni Ivana Alawi bentang-benta sa socmed, hirit ng netizen: ‘Mas masarap ‘tong turon ko bagay sa buko mo’

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

FB page ni Ivana Alawi bigla na lang nawala: No warning, no violation, no report, no e-mail…

Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: ‘Lahat naman ay nagkakamali’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending