Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: 'Lahat naman ay nagkakamali' | Bandera

Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: ‘Lahat naman ay nagkakamali’

Therese Arceo |October 28,2022
facebook
share this

Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: ‘Lahat naman ay nagkakamali’

Therese Arceo - October 28, 2022 - 02:28 PM

Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: 'Lahat naman ay nagkakamali'
NAGPAKITA ng pagsuporta ang mga celebrity vloggers na sina Alex Gonzaga at Ivana Alawi sa kanilang kapwa vlogger at kaibigang si Zeinab Harake.

Noong Linggo, October 23, nang halos mapuyat ang mga netizens dahil sa nakakalokang rebelasyon ng talent manager na si Wilbert Tolentino patungkol sa dating kaibigan.

Pasabog kasi ang talent manager kung saan nilinaw niya ang “user” issue na ibinabato raw sa kanya ng supporters ni Zeinab at ipinakita rin nito ang tila pangmamaliit nito sa iba pang vloggers at infuencers kung saan nadamay sina Alex at Ivana.

Naglabas kasi ng resibo o ng screenshot ang talent manager kung saan makikita ang mga hindi magandang nasabi ni Zeinab sa mga ito.

Ngunit sa halip na magalit ay mas pinili nina Alex at Ivana ang magpatawad.

Nitong Martes, Oktubre 25, nagbahagi ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ng makahulugang mensahe sa Twitter.

“Lahat naman ay nagkakamali ang mahalaga ay marunong magpakumbaba at humihingi ng tawad. [praying hands emoji],” saad ni Alex.

Bagamat wala siyang binaggit na pangalan ay marami sa mga netizens ang nagsasabi na mukhang may kinalaman ang kanyang tweet sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Zeinab.

Matatandaang matapos ang rebelasyon ni Wilbert ay nag-live rin si Zeinab upang ipagtanggol ant sarili at linawin ang mga ibinatong paratang sa kanya.

Amin pa niya, bago pa ang kanyang Facebook live ay nag-reach out na siya sa mga taong involved para humingi ng tawad.

Sinabi niya na tumawag siya kay Alex para mag-sorry at ito rin ang ginawa niya kay Ivana.

Paglilinaw niya, nasabi niya ang nasa screenshot ni Wilbert matapos ang tampuhan nila kung saan na-unfollow siya ng aktres ngunit nagkaayos na raw sila at sinabi nitong naiintindihan siya nito at kilala nito ang tunay niyang ugali.

Bukod kina Alex at Ivana, mukhang napatawad na rin ng Kapamilya host na si Robi Domingo ang social media influencer na nag-sorry matapos siyang masabihan nito na “walang market”.

Related Chika:
Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Zeinab Harake napaiyak habang nagpapasalamat sa kapatid: Siya ang nag-save sa akin, kaya itinuloy ko ang laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending