Zeinab Harake napaiyak habang nagpapasalamat sa kapatid: Siya ang nag-save sa akin, kaya itinuloy ko ang laban | Bandera

Zeinab Harake napaiyak habang nagpapasalamat sa kapatid: Siya ang nag-save sa akin, kaya itinuloy ko ang laban

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 07:47 AM

Zienab Harake

HINDI napigilan ng social media star at vlogger na si Zeinab Harake ang mapaiyak habang nagkukuwento kung paano siya nakabangon at naka-move on sa mga kanegahang nangyari sa kanyang buhay.

Bumuhos ang kanyang luha nang magkuwento tungkol sa mga pinagdaanan niya nitong mga nagdaang buwan sa personal niyang buhay.

Todo ang pagpasalamat ni Zeinab sa kanyang kapatid na si Rana dahil ito ang naging karamay niya noong nakikipaglaban siya sa problema at iba’t ibang hamon ng buhay.

Nagkuwento ang YouTuber hinggil dito sa pagbisita niya sa morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay” kahapon, September 6.

“Kasi noong mga panahong talagang wala akong masandalan nandoon ako sa pinaka-darkest moment ng buhay ko…

“Siya lang ‘yung nagsasabi na ‘ate bangon, bangon. Hindi pa tapos. Ang dami pang mangyayari.’ So thank you,” pahayag ni Zeinab.

Aniya pa, “Kasi kung wala ang kapatid ko, wala ang team ko, hindi ko na alam kung nasaan ako.

“Sila ang nag-save sa akin para magampanan ko lagi at araw-araw na trabaho ko sa mga bata. Dahil sa kanila yon, dahil sa iyo ‘yon,” lahad pa ng celebrity mom patungkol sa kanyang kapatid.

View this post on Instagram

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Mariing sinabi ni Zeinab na ang kanyang mga anak, lalo na si Bia, ang pinaghuhugutan niya ngayon ng lakas para ipagpatuloy ang laban ng buhay.

“Kasi nu’ng bata pa ako hindi ko naman talaga naranasan na buo ang pamilya ko. Sinabi ko talaga sa sarili ko nun na sana buo ang pamilya niya pero hindi ganun ang nangyari.

“Kaya ako kailangan ko lang gampanan na kahit hindi buo ang naibigay ko sa kanya ngayon, kailangan kong gampanan ‘yung araw-araw na kumpleto siya ng kaming dalawa lang, na okay kami, na masaya kami na kaming dalawa lang, okay na ‘yon,” sey pa ni Zeinab.

At kahit na raw nabigo siya sa pag-ibig at sa kabila ng masasaklap na pangyayaring pinagdaanan niya, happy pa rin at super thankful pa rin siya dahil patuloy ang pagdating ng blessing sa buhay niya.

Hindi man sinuwerte sa pakikipagrelasyon, naniniwala pa rin si Zeinab sa happy ending.

Last May, inamin ni Zeinab sa madlang pipol na hiwalay na sila ng rapper-songwriter na si Skusta Clee, ang tatay ng anak niyang si Bia.

Inamin din ng vlogger na nakunan siya nito lang nagdaang Abril. Inakusahan din niya si Skusta ng panloloko at pambababae na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

https://bandera.inquirer.net/318911/zeinab-harake-gusto-namang-mag-try-ng-gwapong-dyowa-mas-gaganda-raw-ang-buhay-nang-hiwalayan-si-skusta-clee

https://bandera.inquirer.net/323014/xian-gaza-tinamaan-kay-zeinab-harake-will-you-eat-biko-with-me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/318156/zeinab-harake-inaming-single-pa-rin-looking-for-the-right-mr-black
https://bandera.inquirer.net/318712/zeinab-harake-kumikita-nga-ba-ng-p7-2-m-sa-youtube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending